News »


Launching of Revitalized PNP KASIMBAYANAN

Published: October 14, 2022 05:02 PM



Inilunsad ang programang Revitalized PNP KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan) nitong hapon (Oktubre 14) sa Learning and Development Room, City Hall na naglalayong pagbuklurin ang Kapulisan ng San Jose kasama ang Lokal na Pamahalaan at iba’t ibang religious at advocacy groups upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Pinangunahan ito ni PLtCol. Marlon M. Cudal, acting Chief of Police, at dinaluhan nina City Mayor Kokoy Salvador, City DILG Director Elria Hermogino, at Porais Brgy. Capt. Justino Ariem bilang kinatawan ng Liga ng mga Barangay, pati na rin ng iba’t ibang pinuno at kinatawan ng mga religious group at advocacy group sa San Jose.

Ayon kay PLtCol. Cudal, natatangi ang programang ito sa mga programa ng kapulisan sapagkat makasasama nila ang Lokal na Pamahalaan pati na rin ang mga religious at advocacy groups upang makamit ang kapayapaang pangmatagalan para sa bayan.

Sang-ayon din si Hermogino at sinabing walang progreso sa isang bayan kapag walang kapayapaan.

Lumagda naman sa Pledge of Commitment at Memorandum of Agreement ang mga kasapi sa KASIMBAYANAN.