News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija




Ayuda para sa mga Naapektuhan ng ASF, Ipinamahagi

Published: October 26, 2020 09:20 AM
Nakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Agriculture - Regional Field Office III ang mga hog raiser sa lungsod na nalugi ang negosyo dahil sa epekto ng African Swine Fever o ASF virus na nanalasa sa lungsod noong Enero ng nakaraang taon.


City Engineering in Action

Published: October 26, 2020 09:19 AM
Road widening sa Villa FlorestaRoad graveling sa Villa Marina at Kaliwanagan

Inauguration ng POWAS-Delaen, Abar 2nd

Published: October 12, 2020 10:38 AM
Isinagawa ang inagurasyon ng Potable Water System o POWAS sa Sitio Delaen, Brgy. Abar 2nd kanina (Oct 8) sa pangunguna ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, kasama sina Vice Mayor Glenda Macadangdang, ilang konsehal ng lungsod, at mga opisyal ng barangay. 

Inauguration ng POWAS-Sitio Usok, Malasin

Published: October 05, 2020 11:05 AM
�Simula nang magka-POWAS dito sa Sitio Usok, kapag pumupunta ako sa Villa Floresta ay wala na akong nadadaanang batang bumababa pa mula sa bundok para maki-igib sa poso. Dati ay madalas akong nakakasalubong ng mga batang bumababa at naglalakad para mag-igib,� ito ang sinabi ng Punong Lungsod Kokoy Salvador sa kanyang mensahe nang pormal na pasinayaan ang pangalawang POWAS sa Brgy Malasin kahapon, October 1, sa Sitio Usok ng nasabing barangay.


Livelihood Assistance Grant (LAG)

Published: October 05, 2020 11:02 AM
Ipinagkaloob kahapon (September 29) ang Livelihood Assistance Grant (LAG) mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 96 na benepisyaryo sa lungsod.

Disinfection sa Brgy. Abar 1st

Published: October 05, 2020 10:58 AM
Nagsagawa ng disinfection operation ang Sanitation Division ng City Health Office kahapon, Sept 27, sa Brgy Abar 1st bilang pagtugon sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa barangay.

Potable Water System sa San Agustin, Pinasinayaan

Published: October 05, 2020 10:53 AM
Isinagawa ang pormal na inagurasyon ng Potable Water System o POWAS sa Zone 7 ng Brgy. San Agustin nitong September 24 sa pangunguna ni Punong Lungsod Kokoy Salvador at ilang opisyal ng barangay. 

Mas Mahigpit na Pamamahala at Pagpapatupad ng mga Batas at Ordinansa

Published: October 05, 2020 10:57 AM
Nagpulong ngayong araw (Sept 25) ang mga kapitan ng Lungsod San Jose kasama ang Punong Lungsod Kokoy Salvador, PNP San Jose Chief Heryl Bruno,  LTC Honorato S. Pascual Jr. ng 84th IB 71D, at Local IATF upang talakayin ang mas mahigpit na pamamahala at pagpapatupad ng mga batas at ordinansa hinggil sa COVID-19 response.


Tree Planting Activity & Adopt a Tree Program

Published: September 21, 2020 10:11 AM
Pinangunahan ng City Environment & Natural Resources Office (CENRO) at Office of the City Mayor ang Tree Planting Activity & Adopt a Tree Program ng lokal na pamahalaan nitong umaga, Sept 18, sa kabundukan ng Villa Floresta. 

Distribution of Wheelchairs and Crutches

Published: September 17, 2020 12:19 PM
Ipinamahagi ng Persons with Disability (PWD) Office ang sampung (10) wheel chair at apat (4) na saklay sa labing-apat (14) na benepisyaryo nitong umaga, September 15, sa kanilang tanggapan. 

Contact Tracing Team

Published: September 17, 2020 12:18 PM
Nagpulong nitong umaga, September 9, ang mga kinatawan ng Contact Tracing Team sa lungsod upang pag-usapan ang ilang mahahalagang bagay na makatutulong sa mas mabilis na contact tracing at isolation o quarantine ng close contacts ng mga pasyenteng lumalabas na positibo sa SARS-COV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Face Shields Distribution

Published: September 17, 2020 12:19 PM
Dalawang libong face shield ang libreng ipinamigay nitong hapon, September 9, sa mga tindero at tindera sa palengke bilang dagdag proteksiyon laban sa sakit na COVID-19.

Executive Order No. 47, s.2020

Published: September 17, 2020 12:15 PM
Executive Order No. 47, s.2020An Order Imposing Strict Health Protocols on All Service Delivery Personnel of Essential and Non-Essential Services Coming from Outside San Jose City

DRRMO, may bagong fire truck

Published: September 17, 2020 12:15 PM
Bumili ng isang penetrator fire truck ang Lokal na Pamahalaan upang mas mapahusay ang serbisyo ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) kapag may sunog.

26,000 USB Flashdrives

Published: September 17, 2020 12:13 PM
Tinanggap ng DepEd Division Office ngayong araw, September 3, ang mahigit 26,000 USB flash drives na ipamimigay sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan bilang suporta sa digital learning sa darating na pasukan. 

Contact Tracing sa Lungsod, Pinaigting

Published: September 17, 2020 12:11 PM
Nagsagawa ng simultaneous orientation & training ang LGU Contact Tracing Team para sa kanilang mga barangay counterparts ngayong araw, September 1 sa City Hall Building at City Health Office Conference Room.


School heads, nakatanggap ng laptops

Published: September 17, 2020 12:03 PM
Ipinamahagi na ng DepEd Division Office ang mga laptop na suporta sa mga paaralan nitong Martes, Agosto 18, sa isang turn-over ceremony na ginanap sa San Jose West Central School.

Bagong Tayabo Nature Park

Published: September 17, 2020 11:54 AM
Nakapasyal ka na ba sa "bagong" Tayabo Nature Park? Kung gusto mong mag-relax o mag-exercise, pwedeng mag-lakad lakad dito sa park. Siguraduhin lamang na may physical distancing. 


City Day Babies 2020

Published: September 17, 2020 11:52 AM
Hindi pinalagpas ang mahalagang okasyon kahapon para bigyan ng regalo ang mga sanggol na ipinanganak kasabay ng selebrasyon ng 51st City Day.


Beautification Activities

Published: September 17, 2020 11:39 AM
Sa gitna ng pandemya, importante pa rin ang maayos na kapaligiran na nakaka-kalma ng pakiramdam. Kaya naman tuloy pa rin ang regular na pagme-mentina ng City Engineering Office para sa kalinisan at kaayusan ng lungsod: pagpipintura ng mga commercial building, center aisle, at pagtatanim ng halaman sa highway.

OPLAN Daloy in Action (August 7, 2020)

Published: September 17, 2020 11:30 AM
Regular na tumutulong ang City Engineering sa desilting ng irigasyong tumatawid sa kahabaan ng ilang barangay, lalo na sa parte ng Brgy Calaocan at Brgy Camanacsacan.

Patak Kontra Polio

Published: August 05, 2020 10:03 AM
Nagpatuloy nitong umaga, August 3, ang programang Patak Kontra Polio sa Brgy Tulat.


CEO in Action

Published: August 05, 2020 10:02 AM
Re-gravelling of barangay roads at Brgy. Porais and Brgy. Pinili.

Ayudang pataba, ipinamahagi

Published: August 05, 2020 10:01 AM
Sinimulan nitong nakaraang linggo ang taunang pamimigay ng subsidiyang pataba mula sa Department of Agriculture para sa mga benepisyaryong magsasaka sa lungsod. 

COVID Case #4

Published: July 27, 2020 11:14 AM
Bunsod ng bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod, nagkaroon ng pagpupulong ang Local IATF upang siguraduhin ang koordinasyon ng iba't ibang ahensya ng Lokal na Pamahalaan magmula barangay hanggang City Health Office at Ospital ng Lungsod San Jose.

Welcome Ark Beautification

Published: July 27, 2020 11:12 AM
Habang pinaiigiting ang pagpapatupad ng safety protocols laban sa COVID-19, tuloy pa rin ang pagpapaganda sa lungsod.

Public Reminders about COVID-19 Safety Protocols

Published: July 27, 2020 11:08 AM
Maigiting ang ginagawang kampanya sa pagpapa-alala sa publiko hinggil sa City Ordinance No. 20-021, lalo na ang mga probisyon tungkol sa pangunahing safety protocols na dapat gawin ng publiko, tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing, pagbabawal na lumabas sa mga wala sa tamang edad, at pagkakalat ng fake news.

Business Sector at LGU, nagpulong hinggil sa COVID-19 protocols

Published: July 27, 2020 11:06 AM
Nagkaroon ng pagpupulong ang mga tagapamahala ng malalaking establisimyento nitong umaga, July 13, kasama ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Punong Lungsod Kokoy Salvador upang talakayin ang sitwasyon ng COVID-19 sa Lungsod San Jose ngayong panahon ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Mga Hakbang sa Pagpigil ng Pagkalat ng COVID-19

Published: July 27, 2020 11:03 AM
Pinangunahan ng Office of the City Mayor ang pagpupulong ng Local IATF kahapon, July 7, sa City Health Office Conference Room upang talakayin ang mga hakbang na ipinatutupad ng Lokal na Pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Pagpapatupad ng COVID-19 Safety Measures, Tinalakay sa Liga ng mga Barangay

Published: July 06, 2020 10:33 AM
Nagkaroon ng pagpupulong sa City Hall nitong umaga, July 3, ang Liga ng mga Barangay na binubuo ng 38 kapitan sa Lungsod San Jose upang talakayin ang mga pag-iingat na hakbang na dapat gawin upang hindi kumalat ang COVID-19 sa lungsod, lalo pa ngayong may isang kumpirmadong kaso sa kasalukuyan.

Oplan Daloy in Action (June 30)

Published: July 06, 2020 10:29 AM
Oplan Daloy in action today:Sibut, Caanawan, Heart of Jesus/Public Market Creek, Sanctuario Creek

City Engineering in Action

Published: June 30, 2020 11:26 AM
City Engineering in ActionRe-graveling of PNR Roads along Brgy. Caanawan & Brgy. Abar 1st.#EngineeringAksyonAgad


LGU Funds DepEd’s Needs for #NewNormal Learning

Published: June 26, 2020 01:02 PM
The Local Government Unit, through a resolution by the Local School Board headed by City Mayor Kokoy Salvador, has allocated more than 20 million pesos to fund the Division Office�s needs for blended learning that will be the norm in the coming school year, scheduled to start on August 24.



COVID-19 Safety Measures, Ipinatutupad sa St. Joseph Cathedral

Published: June 26, 2020 12:48 PM
Pinapayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang mass gatherings ng religious organizations, subalit 50% capacity lamang. Kailangan ding obserbahan ang mga istriktong health protocols. Halimbawa nito ay ang pagkuha ng temperatura ng taong dadalo sa misa o church service, at pagre-rehistro sa logbook para sa contact tracing.

PUV safety measures sa #NewNormal

Published: June 22, 2020 10:59 AM
Maayos na ipinatutupad ng Central Terminal sa mga pampasaherong jeep ang mga panuntunan sa pamamasada ngayong panahon ng Modified General Community Quarantine.

EXECUTIVE ORDER NO. 28, s.2020

Published: June 18, 2020 10:38 AM
An Order Prescribing Guidelines and Regulating Mobility in the City of San Jose to be Observed during Modified General Community Quarantine

OPLAN Daloy in action

Published: June 22, 2020 10:55 AM
June 16 - Another day, another waterway sa buhay ng Oplan Daloy Team.

Ayuda para sa mga Sinalanta ng ASF, Ipinamahagi

Published: June 22, 2020 10:51 AM
Ipinamigay nitong umaga, June 16, ng Lokal na Pamahalaaan ang financial assistance sa mga rehistradong nag-aalaga ng baboy na sinalanta ng African Swine Fever (ASF) bago pa man dumating ang krisis na dulot ng COVID-19.

Monday is Market Disinfection Day!

Published: June 15, 2020 12:39 PM
Tulad ng nakasaad sa iskedyul, isinara ang Public Market ngayong araw ng Lunes, June 8, para sa lingguhang disinfection nito.