News »


Inauguration ng POWAS - Habitat, Sto. Niño 3rd

Published: February 24, 2021 12:00 AM



Idinaos ang pormal na inagurasyon ng ikalawang Potable Water System (POWAS) sa Habitat, Brgy. Sto. Niño 3rd nitong umaga (Pebrero 24), gayundin ang panunumpa ng kanilang Lupon ng Katiwala na tinawag nilang HABI-POWAS.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador, kasama sina Punong Barangay Wilfredo Escudero at ilang opisyal ng Sangguniang Panglungsod, ang inagurasyon ng naturang proyekto na nakapagsisilbi na sa 170 konsyumer.

Pinuri naman ng Punong Lungsod ang mga tagapamuno ng POWAS doon dahil sa maayos nilang pamamalakad, pati na sa nagkaloob ng lupa na pinagpatayuan ng POWAS.

Pitong POWAS na ang naipatayo sa Brgy. Sto. Niño 3rd, kaya naman lubos din ang pasasalamat ni Kapitan Escudero kay Mayor Kokoy at sa buong lokal na pamahalaan sa pagsasakatuparan ng proyektong ito.

Tiniyak naman sa mga konsyumer na pasado sa mga pagsusuri ng City Health Office- Sanitation Division ang kalidad ng tubig mula sa POWAS at ligtas itong inumin.

Sa kabuuan, mayroon nang 47 POWAS sa lungsod at may ilan pang POWAS ang pasisinayaan sa mga susunod na buwan.