Inauguration of K Building - Sampugu ES
Published: February 04, 2021 12:00 AM
Pormal na idinaos ang inagurasyon ng bagong K-Building sa Sampugu Elementary School, Brgy. Kita-kita, kahapon (Feb 3).
Pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang ribbon-cutting ceremony, kasama si Schools Division Superintendent Johanna N. Gervacio, habang si Rev. Fr. Ian Christopher Andal naman ang nanguna sa pagbabasbas ng dalawang palapag na gusali na may apat na silid-aralan.
Mensahe ng Punong Lungsod, nais niyang ilapit ang paaralan sa mga mag-aaral sapagkat mahalaga aniya ang edukasyon upang umasenso at makaahon sa kahirapan.
Hatid pa niya ang magandang balita na mayroon pang kasunod na gusali ang ipatatayo sa naturang lugar, gayundin sa iba pang mga barangay.
Nagpasalamat naman si SDS Gervacio kay Mayor Kokoy, na aniya ay laging nakasuporta sa mga programa’t proyekto ng Kagawaran ng Edukasyon.
Ipinahayag naman ni Sampugu Elementary School OIC Benedect Aquino na walang mapagsidlan ang kanyang kasiyahan dahil makalilipat na sila sa bagong gusali matapos nilang manatili sa munting kubo.
Dumalo rin sa programa sina Kita-Kita Barangay Captain Gerry Dulatre at PTA President Jhona Macadamia at nagpaabot ng kanilang pasasalamat.