News »


BFP New Year's Call

Published: February 01, 2021 12:00 AM



Ginanap nitong Lunes ng umaga, Pebrero 1 ang Bureau of Fire Protection’s (BFP) New Year’s Call to the City Mayor sa OCM Conference Room sa City Hall.

Sa pangunguna ni F/CINSP Augusto M. Yalung, City Fire Marshal, iginawad ng BFP San Jose kay Punong Lungsod Kokoy Salvador ang isang plake ng pasasalamat para sa kanyang patuloy na suporta sa lahat ng gawain at programa ng kanilang ahensiya.

Ipinakilala rin dito ang mga magigiting na miyembro ng BFP San Jose na laging kaagapay ng lokal na pamahalaan.

Sa mensahe ng Punong Lungsod, nagpasalamat din siya sa nasabing ahensiya na nagsisilbing frontliners magmula nang magkaroon ng pandemya. 

Dagdag pa niya, umaasa siyang patuloy na magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan upang higit na mapadali ang tungkulin ng bawat isa.