News »


Food for Work Program - Dizol & Villa Marina

Published: February 26, 2021 12:00 AM



Nagsagawa ng Food for Work Program ang City Social Welfare & Development CSWD) Office sa Brgy Dizol at Brgy Villa Marina nitong Miyerkules at Huwebes (Peb 24 & 25). 

Sa ilalim ng programa, namimigay ng pagkaing bigas ang Lokal na Pamahalaan kapalit ng pagllinis ng mga benepisyaryo sa kanilang mga komunidad. 

Itinataguyod ng programa ang pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan. 

Sa kanyang mensahe sa mga benepisyaryo, binigyang diin ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang kahalagahan ng pagtutulungan. 
Ipinaalala rin niya ang patuloy na pag-iingat na kailangang gampanan ng lahat upang makaiwas sa COVID-19.