News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija



TUPAD Orientation

Nagtipon-tipon ang 300 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) kahapon (Hulyo 10) sa Josephine Village Covered Court para sa kanilang oryentasyon sa nasabing programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Published: July 11, 2023 01:20 PM

K Outreach Program - Brgy. Pinili

Dinayo ngayong araw (Hulyo 7) ng K Outreach Program ng lokal na pamahalaan ang Brgy. Pinili, kasama si Mayor Kokoy Salvador at ilang konsehal para maghandog ng iba’t ibang tulong at serbisyo.
Published: July 07, 2023 04:27 PM

K Outreach sa Villa Joson

Patuloy sa pagbababa ng mga tulong at serbisyo sa mga barangay ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan.
Published: June 30, 2023 04:08 PM

Kauna-unahang Demo Gulayan sa Paaralan Field Day

Bidang-bida ang iba’t ibang pananim na gulay sa kauna-unahang Demo Gulayan sa Paaralan Field Day na ginanap sa San Mauricio Elementary School nitong Martes (Hunyo 27).
Published: June 29, 2023 05:44 PM

PRIDE March sa San Jose City

Matagumpay na ginanap ang kauna-unahang Pride March sa Lungsod San Jose nitong Biyernes, June 23 bilang pagkilala at pagtanggap sa sektor ng LGBTQIA+ community sa lungsod.
Published: June 26, 2023 06:57 PM

K Outreach Program

Naghatid ngayong araw (Hunyo 16) ng mga libreng tulong at serbisyo ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan sa Brgy. Camanacsacan.
Published: June 16, 2023 05:12 PM

K Outreach sa Brgy. Manicla

Buwena manong hinatiran ng mga libreng tulong at serbisyo ang Brgy. Manicla nitong umaga (Hunyo 9) sa muling pag-iikot ng K Outreach Program sa mga barangay.
Published: June 09, 2023 04:00 PM

Bagong POWAS sa Brgy. Palestina

Pormal na pinasinayaan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP) ang Potable Water System (POWAS) sa Sitio Tumana, Brgy. Palestina kahapon, Hunyo 8.
Published: June 09, 2023 01:07 PM

TUPAD Payout

Bumisita sa Lungsod San Jose kahapon, Hunyo 8 si Sen. JV Ejercito para sa pamamahagi ng sahod ng mga benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Published: June 09, 2023 11:37 AM

2nd Quarter NSED

Nakiisa ang lokal na pamahalaan sa 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) nitong umaga, Hunyo 8 sa pangunguna ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).
Published: June 08, 2023 01:36 PM

K Outreach para sa JODA

Nagsagawa ng espesyal na K Outreach Program ang lokal na pamahalaan para sa mga miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) sa Central Terminal nitong ika-2 ng Hunyo
Published: June 05, 2023 04:45 PM

Assessment and Measurement of Artificial Legs

Mahigit 100 person with disabilities (PWD) ang nabigyan ng Assessment and Measurement of Artificial Legs sa WalterMart-San Jose kaninang umaga (Mayo 31) sa pangunguna ng PWD Affairs Office (PDAO).
Published: May 31, 2023 04:23 PM

Pagkilala sa mga PMA Graduate at City Accounting Office

Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ang dalawang San Josenio na sina 2Lt Ranil Landicho Jr. at 2Lt Gene Kenneth Suñaz sa kanilang matagumpay na pagtatapos sa Philippine Military Academy (PMA) ‘MADASIGON’ (Mandirigmang May Dangal Simbolo ng Galing at Pagbangon) Class of 2023.
Published: May 29, 2023 12:23 PM

2023 RSPC sa Lungsod San Jose

Isa na namang makasaysayang pangyayari ang nasaksihan sa Lungsod San Jose matapos idaos dito ang Central Luzon Regional Schools Press Conference (RSPC) sa kauna-unahang pagkakataon.
Published: May 22, 2023 04:44 PM

K Outreach sa Brgy. A. Pascual

Dumayo ang K Outreach Program nitong umaga (Mayo 19) sa Brgy. A. Pascual, kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, ilang konsehal ng lungsod, at mga kawani ng iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan para maghatid ng mga libreng tulong at serbisyo.
Published: May 19, 2023 03:47 PM

Gulayan sa Bakuran sa Brgy. Villa Joson

Sama-samang nagtanim para sa Gulayan sa Bakuran sa Brgy. Villa Joson sina Vice Mayor Ali Salvador, ilang konsehal ng lungsod, opisyal ng barangay, mga mag-aaral ng Parilla Elementary School, at Asosasyon ng Potable Water System (POWAS) Phase 2 ng naturang barangay kaninang umaga (May 16).
Published: May 16, 2023 01:43 PM

Gulayan sa Bakuran (Brgy. Caanawan at Brgy. Culaylay)

May Gulayan sa Bakuran na rin sa Brgy. Caanawan kung saan sama-samang nagtanim ang asosasyon ng Potable Water System (POWAS) dito ng sili, talong, at kamatis kaninang umaga (May 15).
Published: May 15, 2023 01:48 PM

K Outreach Program sa Brgy. Sinipit Bubon

Umarangkada ang K Outreach Program sa Brgy. Sinipit Bubon ngayong araw (Mayo 12) para makiisa sa selebrasyon ng unang araw ng kapistahan ng nasabing barangay.
Published: May 12, 2023 01:35 PM

Cash for Work Program for PWDs

Ipinagkaloob kaninang umaga (Mayo 11) sa 214 na Persons with Disabilities (PWD) ang kanilang benepisyo mula sa Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o Kalahi-CIDSS Cash for Work Program for PWD ng Department of Social Welfare and Development.
Published: May 11, 2023 07:00 PM

Gulaya sa Bakuran - Sto. Tomas

May Gulayan sa Bakuran na rin sa Brgy. Sto. Tomas matapos ilunsad doon ang naturang proyekto kaninang umaga, Mayo 9 katuwang ang asosasyon ng Potable Water System (POWAS).
Published: May 09, 2023 11:35 AM

Ika-16 na Pagkatatag ng Panganakang Lungsod San Jose

Labing-anim (16) na taon nang naghahatid ng serbisyo publiko ang Panganakan ng Lungsod San Jose at nitong umaga, Mayo 8, ipinagdiwang ang anibesaryo ng pagkakatatag nito sa City Health Compound.
Published: May 08, 2023 04:19 PM

Pagkilala sa mga Atletang San Josenio

Kinilala kaninang umaga, Mayo 8 ang mga estudyanteng atleta na nanalo sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet na ginanap nitong Abril 24-28 sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.
Published: May 08, 2023 01:26 PM

Health Education Promotion for Supplemental Immunization

Nagsagawa ng Health Education Promotion for supplemental immunization ang City Health Office (CHO) ngayong araw (Mayo 5) sa Learning and Development Room, City Hall bilang bahagi ng programang Chikiting Ligtas 2023 ng Department of Health (DOH).
Published: May 05, 2023 03:05 PM

K Outreach Program sa Brgy. Tabulac

Isinagawa ang K Outreach Program sa Barangay Tabulac kaninang umaga (Mayo 5) bilang pakikiisa sa nalalapit na kapistahan ng nasabing barangay.
Published: May 05, 2023 12:52 PM

Coconut Twine and Geonet-Making Training

Nagsanay sa paggawa ng coconut twine at geonet ang mga empleado ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ngayong araw (Mayo 3) sa Biowaste Processing Facility sa Sitio Bliss, Brgy. Malasin.
Published: May 03, 2023 04:50 PM

Chikiting Ligtas ng DOH

Inilunsad kaninang umaga (Mayo 2) sa lungsod ang programang Chikiting Ligtas ng Department of Health (DOH) para sa malawakang pagbabakuna kontra polio, rubella, at tigdas.
Published: May 02, 2023 12:04 PM

POWAS Gulayan sa Bakuran - San Juan

Patuloy na dumarami ang asosasyon ng Potable Water Supply (POWAS) ang nakikiisa sa proyektong Gulayan sa Bakuran.
Published: April 28, 2023 07:00 PM

K Outreach - Abar 2nd

Dumalaw sa Abar 2nd ang K Outreach Program kahapon (Abril 27) bilang pakikiisa sa fiesta ng naturang barangay.
Published: April 28, 2023 04:07 PM

Pnapsack Sprayer ad Plastic Crates Distribution

Pinagkalooban ng knapsack sprayer at plastic crates ang apat na asosayon ng magsasaka sa lungsod kahapon (Abril 27) sa pangunguna ng City Agricultural Office (CAO).
Published: April 28, 2023 08:00 AM

Sen. Imee Marcos sa Lungsod San Jose

Bumisita ngayong araw (Abril 27) sa lungsod si Sen. Imee Marcos para sa pamamahagi ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Published: April 27, 2023 04:32 PM

MTB Enduro Race

Maaksiyong karera ang nasaksihan nitong Sabado (Abril 22) sa ginanap na MTB Enduro Race sa Brgy. Villa Floresta.
Published: April 26, 2023 03:33 PM

Solo Parents Week Celebration

Ipinagdiwang sa kauna-unahang pagkakataon ang Solo Parent’s Week kahapon (Abril 25) sa lungsod na may temang “RA 11861: Bagong batas na mas Pinagtitibay, Kaakibat ng Solo Parents sa Tagumpay”.
Published: April 26, 2023 12:12 PM

Off-road Challenge

Nagpamalas ng tatag at angas ang mga 4x4 na sasakyan sa Off-Road Challenge nitong Sabado, Abril 22 sa Brgy. Caanawan.
Published: April 25, 2023 03:20 PM

San Jose City Invitational Motocross

Sa kabila ng matinding sikat ng araw, hindi natinag ang halos 100 motocross drivers mula sa iba’t ibang bayan at probinsiya nitong Biyernes (Abril 21) sa Brgy. Caanawan.
Published: April 25, 2023 11:53 AM

Invitational Fun Shoot Competition

Nagtagisan ng galing sa pag-asinta ang 106 registered shooters na lumahok sa Invitational Fun Shoot Competition nitong Abril 22 sa Lian’s Firing Range, Brgy. Pinili.
Published: April 25, 2023 08:00 AM

Gabi ng Mamamayan

Nagtipon-tipon sa Gabi ng Mamamayan ang mga opisyal ng mga barangay sa lungsod, kasama ang ilang residente sa ikalimang gabi ng Pagibang Damara Festival nitong Sabado, Abril 22.
Published: April 24, 2023 08:00 PM

Bonsai Exhibition and Competition

Iba't iba uri ng halamang bonsai ang idinisplay sa WalterMart – San Jose nitong April 20-22 sa Bonsai Exhibition & Competition.
Published: April 24, 2023 05:00 PM

Pagibang Damara Basketball Game

Naging mainit ang bakbakan ng Team San Jose City kontra sa mga bisitang vlogger at ex-PBA Players sa ginanap na Basketball nitong Sabado (April 22) sa Simeon Garcia Sports Complex sa San Jose City National High School, bilang bahagi ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival 2023.
Published: April 24, 2023 12:57 PM

Street Concert with This Band & Kamikazee

Sa hudyat ni Mayor Kokoy Salvador na mag-rock ‘n roll, dumagundong ang buong Public Market sa taas ng enerhiya ng mga manonood sa ginanap na Street Concert kagabi (April 23) kung saan guest performers ang mga sikat na bandang #KMKZ at This Band.
Published: April 24, 2023 02:33 PM

Mister and Miss San Jose City 2023

Kinoronahan bilang Mister & Miss San Jose City 2023 sina John Dave Apostol ng Brgy. Sto. Niño 2nd at Mariya Jeffy Felimon ng Brgy. Caanawan sa ika-limang edisyon ng beauty pageant na ginanap sa Pag-Asa Sports Complex nitong Biyernes, April 21.
Published: April 22, 2023 11:06 PM