News »


K Outreach Program - Abar 1st

Published: March 15, 2024 04:35 PM



Muling tumungo ang K Outreach Program sa Brgy. Abar 1st nitong umaga, Marso 15 para makiisa at makisaya sa pagdiriwang ng kanilang fiesta.

Idinaos ang programa sa St. Cecilia na dinaluhan nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang konsehal.

Hatid ng K Outreach ang mga libreng serbisyo at tulong mula sa iba't ibang opisina ng lokal na pamahalaan, kasama ang iba pang mga ahensiya at samahan.