Gulayan sa Paaralan - San Jose East Central School
Published: March 04, 2024 04:16 PM
Isa na namang Gulayan sa Paaralan ng lokal na pamahalaan ang naisakatuparan nitong Biyernes (Marso 1) sa San Jose East Central School.
Pinangunahan ni Vice Mayor Ali Salvador ang naturang proyekto kung saan kasama niyang nagtanim ang ilang konsehal at mga mag-aaral doon na nasa ika-aapat hanggang ika-anim na baitang.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Vice Ali ang kahalagahan ng pagsasaka at pagtatanim.
Nauna nang inilunsad ang Gulayan sa Bakuran ng mga POWAS noong nakaraang taon.
Aniya, minarapat niyang palawigin ito sa mga paaralan dahil bukod sa pangunahing kabuhayan ito sa Lungsod San Jose, maaari itong pagkunan ng masustansiyang pagkain na hindi na kailangang bilhin.
Samantala, bibisitahin din ang iba pang paaralan para sa nasabing proyekto.