Brgy. Crisanto Sanchez at Canuto Ramos, dinalaw ng K Outreach
Published: February 16, 2024 12:54 PM
Binisita ng K Outreach Program ang Brgy. Canuto Ramos nitong umaga (Pebrero 16), gayundin ang Brgy. Crisanto Sanchez nitong Martes (Pebrero 13) para magbigay ng libreng serbisyo at tulong ang iba't ibang ahensiya at opisina ng lokal na pamahalaan, kasama ang Sangguniang Panlungsod.
Hatid dito ang mga serbisyong medikal at dental, pati na rin eye check-up at libreng reading glasses.
May iba't ibang aktibidad din para sa mga bata, tulong para sa mga senior citizen at persons with disability (PWD), libreng gupit at masahe, bakuna kontra rabies sa mga alagang aso at pusa, libreng cedula, bigas, binhi, at marami pang iba.
Nakadaupang palad pa ng mga dumalo sa programa sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, gayundin ang ilang konsehal at si Bokal Dindo Dysico.
Tutungo naman ang K Outreach sa Brgy. R. Rueda Sr. sa Pebrero 20.