News »


Mga mag-aaral sa pampublikong paaralan, nagtagisan sa Festival of Talents

Published: February 01, 2024 01:28 PM



Nagpasiklaban ng galing at talento ang mga mag-aaral mula sa pampublikong paaralan sa ginanap na Division of San Jose City Festival of Talents nitong Martes (Enero 30) sa San Jose West Central School (SJWCS).

Nagtagisan sa iba't ibang kategorya at larangan ang mga kalahok dito mula sa elementary at high school, kabilang ang Technolympics, Sining Tanghalan, Kasaysayan at Pop Quiz, Sign Language and Interpretation, Braille Reading, Story Retelling, Interpretatibong Pagbasa, at marami pang iba.

Dumalo sa nasabing programa si Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal upang magbigay ng suporta; gayundin ang bagong Schools Division Superintendent (SDS) na si Dr. Ericson Sabacan, Asst. SDS Josie Palioc, ilang kawani ng Schools Division Office, at SJWCS Principal Dr. Joel Pontela.

Magsisilbing kinatawan ng dibisyon ang mga nagwagi sa gaganaping Regional Festival of Talents.