News »


Villa Ramos, Dinayo ng K Outreach

Published: March 08, 2024 05:27 PM



Inihatid ng lokal na pamahalaan ang mga serbisyo at tulong sa Villa Ramos, Brgy. Abar 1st nitong umaga, Marso 8 sa pamamagitan ng K Outreach program, kasama si Vice Mayor Ali Salvador at ilang konsehal ng lungsod.

Libreng konsultasyon sa mata, medisina, pagkain, gamot para sa alagang aso at pusa, gupit, at iba pa ang ilan lamang sa mga tulong na dala ng programa.

Sa usaping seguridad, nagpaalala si PSSg Christian Pulido ng PNP San Jose City na mag-ingat sa mga taong nagsusuot ng damit na hawig sa mga opisyal na kasuotan ng pulisya gaya ng camouflage upang magamit sa kriminalidad. Dagdag pa niya, huwag na lamang magsuot ng mga ganitong uri ng damit ang mga sibilyan lalo na kung intensyong gayahin ang kapulisan dahil maaari silang mademanda.

Pinag-iingat din ang mga umaani ng sibuyas at palay na huwag magbayaran sa bukid upang maiwasan ang holdap.

Naghandog naman ng pampasiglang bilang ang City Population Office (PopCom).

Dadayo ang K Outreach sa susunod na Biyernes (Marso 15) sa St. Cecillia, Brgy. Abar 1st.