Ten Outstanding Women ng Lungsod San Jose, pinarangalan
Published: March 27, 2024 12:13 PM
Kinilala ang 10 natatanging kababaihan sa lungsod sa ginanap na Ten Outstanding Women of San Jose City Awards Nights nitong Marso 26 sa Staycation Hotel, Brgy. Caanawan.
Kabilang sa mga pinarangalan kagabi sa iba't ibang larangan ang mga sumusunod:
1. Agriculture: Gina G. Toquero
2. Public Service: Sheridan L. Asuncion
3. Law: Hon. Judge Cynthia T. Martinez-Florendo
4. Culture, Arts, and Sports: Amy G. Mejia
5. Business: Segundina E. Salvador
6. Community Development: Hannah R. Domingo
7. Small and Medium Entrepreneurship: Zenaida B. Escudero
8. Education: Catalina P. Paez, PhD
9. Health: Cristina P. Falloran
10. Labor/Worker: Sharmaine Fatima M. Ramos
Napili ang mga nabanggit na Ten Outstanding Women batay sa mga isinumiteng nominasyon sa lokal na pamahalaan at kinilala batay sa kanilang naging serbisyo at kontribusyon sa komunidad; kahusayan sa kanilang piling larangan; kakayahan sa pamumuno; at kagandahang loob.
Pinangunahan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador ang paggawad ng parangal at papremyo sa mga nagwagi.
Sa mensahe ng Punong Lungsod sa naturang pagtitipon, hinamon niya ang mga kinilalang kababaihan na mas lalong patunayan at panindigan ang pagiging 'outstanding'.
Sinang-ayunan naman ito ni Vice Mayor Ali at aniya, sana ay magsilbi silang inspirasyon sa mga kabataang babae.
Nagbigay rin ng kanilang pagbati sina Konsehal Doc Susan Corpuz at Konsehal Patrixie Salvador na tumatayong Chairperson at Co-Chairperson ng Committee on Women ng Sangguniang Panlungsod, gayundin si Bokal Dindo Dysico.
Idinaos ang programang Ten Outstanding Women of San Jose City ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng City Human Resource Management Office bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women's Month ngayong Marso na may temang "Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!"