120 SPED students tumanggap ng Tulong Pinansiyal
Published: May 03, 2024 04:53 PM
Tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa lokal na pamahalaan ang 120 mag-aaral ng Special Education (SPED) ng DepEd San Jose kahapon (May 2).
Isinagawa sa San Jose West Central School ang pamamahagi ng naturang ayuda para sa mga estudyanteng nasa kindergarten hanggang ika-anim na baitang at mga non-grader learners para sa taong panuruan o school year na ito.
Dumalo sa programa si Mayor Kokoy Salvador at nagpahayag ng kanyang suporta at mensahe.
Aniya, espesyal sa kanya ang mga batang tulad nila at maituturing silang mga anghel ng pamilya.
Sinuklian naman ng matatamis na ngiti at pasasalamat mula sa mga bata at kanilang mga magulang ang natanggap nilang tulong pinansiyal.