News »


K Outreach Program sa Brgy. R. Eugenio

Published: February 08, 2024 03:42 PM



Hinatiran ng iba't ibang libreng serbisyo at tulong ng lokal na pamahalaan ang mga taga-Brgy. R. Eugenio sa ginanap na K Outreach Program doon nitong umaga (Pebrero 😎.

May libreng konsulta sa doktor at dentista, gamot, bigas, binhi, cedula, gupit, masahe, bakuna kontra rabies sa mga alagang aso at pusa, iba't ibang aktibidad para sa mga bata, at marami pang iba.

Naroon din sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at mga konsehal ng lungsod para kumustahin ang mga residente.

Susunod namang bibisitahin ng K Outreach ang Brgy. Crisanto Sanchez sa Pebrero 13.