News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija





Potable Water sa Culaylay, dumaloy na

Published: December 05, 2018 05:03 PM
Hindi lamang ang pagpapaganda at pagpapasikat ng Lungsod San Jose ang tinututukan ng administrasyon ni Punong Lungsod Kokoy Salvador. Sa likod ng mga nakikitang proyektong nagpapaganda sa bayan, tahimik na lumalakad ang mga proyektong napapakinabangan ng mga mamamayan sa mga liblib na lugar.


K Outreach sa Brgy. Calaocan, tinangkilik

Published: November 29, 2018 05:14 PM
Dinagsa ng mga mamamayan sa Brgy. Calaocan ang K Outreach Program na ginanap doon kahapon, ika-28 ng Nobyembre at nahandugan ng mga libreng serbisyo mula sa mga sangay ng Lokal na Pamahalaan.

Iba�t ibang aktibidad, tampok sa 84th National Book Week

Published: November 29, 2018 03:40 PM
Ipinagdiriwang sa linggong ito ang 84th National Book Week, kaya naman ilang aktibidad ang inihanda ng City Library upang maipalaganap ang pagmamahal sa pagbabasa at pagpapahalaga sa literatura.

K Outreach sa Brgy. Sibut, matagumpay

Published: November 28, 2018 09:47 AM
Isa na namang matagumpay na K-Outreach ang idinaos nitong nakaraang Biyernes, ika-23 ng Nobyembre sa Brgy. Sibut.



MOA para sa Ospital ng Lungsod San Jose, nilagdaan na

Published: November 26, 2018 02:50 PM
Nilagdaan na nitong umaga ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador at Department of Health (DOH) sa pangunguna naman ni Dr. Edwin V. Santiago, Provincial Team Leader ng DOH Nueva Ecija para i-turn over ang sertipiko ng health infrastructure ng Ospital ng Lungsod San Jose (OLSJ).

Pagsasanay ukol sa Barangay Financial Management, isinagawa

Published: November 23, 2018 09:49 AM
Nagsagawa ang Commission on Audit (COA) ng tatlong araw na Seminar-Workshop on Barangay Financial Management upang mabigyan ng kaalaman ang mga opisyal na barangay ukol sa tama at masinop na pamamahala ng pondo ng barangay.

Himig Pasko, tampok sa Chorale Competition

Published: November 23, 2018 09:49 AM
Tunay na damang-dama na ang Kapaskuhan sa lungsod nang marinig ang naggagandahang himig ng mga mag-aaral na lumahok sa Chorale Competition Semifinals na idinaos nitong ika-16 ng Nobyembre sa City Social Circle.

K-Outreach sa Brgy. F.E Marcos

Published: November 20, 2018 09:43 AM
Isa na namang K-Outreach Program ang makabuluhang naisakatuparan noong ika-16 ng Nobyembre sa covered court ng Brgy. F.E Marcos.

Mahahalagang Tungkulin ng Kalalakihan, itinuro sa KATROPA

Published: November 19, 2018 09:38 AM
Upang lalong maunawaan ang mahalagang papel na ginagampanan ng kalalakihan sa lipunan at sa pamilya, nagdaos ang City Population Office (CPO) ng seminar ukol sa Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya (KATROPA) nitong ika-15 ng Nobyembre sa Tayabo Nature�s Park.

ICATSAA Meet 2018

Published: November 15, 2018 05:07 PM
Pormal nang binuksan ang Intercollegiate and Technical Schools Athletic Association o ICATSAA Meet 2018 nitong Lunes (Nobyembre 12) kung saan magtutunggali sa larong Basketball, Volleyball, Badminton, Table Tennis, at Open Chess ang walong pribadong paaralan sa kolehiyo.



Pagbubukas ng Liwanag ng Pasko sa lungsod, dinumog

Published: November 13, 2018 08:57 AM
Pinatunayan ng Lungsod San Jose na karapat-dapat itong hirangin bilang Christmas Capital ng Nueva Ecija nang muli na namang nagliwanag at nagningning ang kapaligiran matapos pailawan ang higanteng Christmas tree at Christmas lights dito para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon.

Halloween Fun Ride 2018, Patok!

Published: November 05, 2018 08:09 AM
Muling bumida sa Halloween Costume Fun Ride ang SJC Mountain Bikers gayundin ang iba pang San Josenios suot ang kanilang 80's movie inspired costume.


Higit 3,000 magsasaka, may libreng binhi ng sibuyas

Published: October 30, 2018 05:52 PM
Mabibigyan ng libreng Red Pinoy Onion Seeds ang higit tatlong libong magsisibuyas sa lungsod bilang ayuda ng pamahalaan (National Government) sa mga naapektuhan ng army worms o harabas noong Marso ng taong ito.

Barangay Anti-Drug Abuse Council Training, isinagawa sa lungsod

Published: October 25, 2018 05:57 PM
Bilang bahagi ng kampanya kontra droga ng DILG katuwang ng PNP, nagsagawa ng Roll Out Training on Strengthening the Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa lungsod kahapon, Oktubre 24 na dinaluhan ng iba�t ibang barangay sa Nueva Ecija.

Brgy. Manicla, may Potable Water System na rin

Published: October 25, 2018 05:57 PM
Makatitiyak nang may malinis na tubig ang mga taga-Manicla matapos pasinayaan rito noong Lunes, Oktubre 22 ang isang Potable Water System o POWAS sa pangunguna ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, kasama si Punong Barangay Roy Valencia, at iba pang mga opisyal at residente ng naturang barangay.

Mga magsasaka, pinagkalooban ng mga hand tractor at water pump

Published: October 24, 2018 10:09 AM
Para sa patuloy na pag-angat ng sektor ng agrikultura sa ating lungsod, labinlimang (15) complete set of hand tractor at dalawampu�t dalawang (22) shallow tube water pump ang ibinigay noong nakaraang linggo sa iba�t ibang kooperatiba at samahan ng mga magsasaka at irrigator.

K Outreach, pinasaya ang mga taga-Villa Ramos

Published: October 19, 2018 12:59 PM
Marami na namang napasaya ang K Outreach Program at noong ika-17 ng Oktubre, ang mga mamamayan sa Villa Ramos, Abar 1st ang hinandugan ng iba�t ibang libreng serbisyo mula sa bigas at groceries hanggang sa mga pangangailangan nilang medikal, dental, legal, at marami pang iba.

Bagong Potable Water System, pinasinayaan sa Porais

Published: October 19, 2018 12:59 PM
Hindi na nga mapipigilan ang pagbibigay aksyon ng Lokal na Pamahalaan para matulungan ang mga mamamayan ng San Jose, kaya isa na namang Potable Water System o POWAS ang pinasinayaan sa Barangay Porais kahapon (Oktubre 17).


Mga Lolo at Lola, nagdiwang ng Elderly Filipino Week

Published: October 16, 2018 05:35 PM
Bigay todo sa pakikisaya at pag-indak ang mga lolo at lola na lumahok sa selebrasyon ng Linggo ng Katandaang Filipino (Elderly Filipino Week) na may temang �Kilalanin at Parangalan: Tagasulong ng Karapatan ng Nakakatanda tungo sa Lipunang Mapagkalinga.�

Programa ng City Population Office,ipinagmalaki sa Regional Forum

Published: October 16, 2018 05:35 PM
Dahil sa magagandang programang ipinatutupad ng City Population Office, ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose ay isa sa napiling maging tagapagsalita sa isinagawang Regional Dissemination Forum on Philippine Population Management Program and Responsible Parenthood and Reproductive Health Law among Local Chief Executives and other Decision-Makers sa Quest Hotel, Clark Freeport Zone, Pampanga nito lamang Oktubre 11.

Mga kabataan, nagtagisan sa PopQuiz at Skills Exhibition

Published: October 12, 2018 05:02 PM
Nagpaligsahan sa iba�t ibang larangan ang mga mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod sa 2018 Population Quiz (PopQuiz) and On-the-Spot Skills Exhibition na ginanap nitong Miyerkules (Oktubre 10).


Patok na K Outreach, umarangkada sa Pabalan

Published: October 12, 2018 05:02 PM
Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga mamamayan sa Pabalan, Abar 1st nang handugan sila ng mga biyaya mula sa K Outreach Program ni Mayor Kokoy Salvavor nito lamang ika-10 ng Oktubre sa covered court ng naturang lugar.



Pagsasanay sa Organic Farm Input Production, Isinagawa

Published: October 05, 2018 05:55 PM
Mahalagang ang ating kinakain ay produkto ng organikong paraan ng agrikultura, kaya naman isang araw na pagsasanay ukol sa Organic Farm Input Production ang isinagawa ng City Agriculture Office kamakailan lang.

K Outreach sa San Roque, Abar 1st, isinagawa

Published: October 05, 2018 05:55 PM
Wala na talagang papantay sa marubdob na pagbibigay-serbisyo ng K Outreach Program para sa mga mamamayan, kaya�t dalawang barangay ang dadayuhin sa linggong ito.

Internal Control System for GAP, pinag-aralan

Published: October 04, 2018 02:22 PM
Ginanap kamakailan sa Hotel Francesko ang Internal Control System for Good Agricultural Practices (GAP) Training na binuo ng Agricultural Training Institute � Regional Training Center sa pakikipagtulungan ng City Cooperative Development Office at City Agriculture Office.

K-Outreach, dumayo sa Brgy. Tulat

Published: October 02, 2018 05:35 PM
Muli na namang nagpasabog ng biyaya ang inaabangang K-Outreach Program sa Brgy. Tulat noong nakalipas na Biyernes, ika-28 ng Setyembre sa covered court ng nasabing barangay.

World Rabies Day, ginunita ng lungsod

Published: October 01, 2018 01:02 PM
Bilang pakiisa ng Lokal na Pamahalaan sa World Rabies Day, nagdaos ng programa ang City Health Office kahapon (Sept. 27) sa Walter Mart na dinaluhan ng ilang opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK), Punong Barangay, at Kagawad on Health.

Welding machines, ipinagkaloob sa mga mag-aaral ng SMAW

Published: September 28, 2018 08:16 AM
Tinanggap na ng dalawampu�t tatlong (23) mag-aaral ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II ng San Jose City Skills Training Center ang mga welding machine at electrode na mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), sa pakikipag-ugnayan ng Public Employment Service Office (PESO).

Pagbubukas ng LGU Sports Fest, naging makulay

Published: September 26, 2018 05:13 PM
Opisyal nang inumpisahan ang taunang LGU Sports Fest kamakailan, Setyembre 24 kung saan tampok ang mga empleyado mula sa iba�t ibang departmento ng Pamahalaang Lokal.

Araw ng Kawani, ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan

Published: September 25, 2018 05:13 PM
Idinaos nitong Lunes (Setyembre 24) ang Araw ng Kawani sa munisipyo bilang pakikiisa ng San Jose City LGU sa selebrasyon ng ika-118 Anibersaryo ng Philippine Civil Service ngayong buwan ng Setyembre.

K-Outreach sa Brgy. Villa Floresta, binagyo ng biyaya

Published: September 25, 2018 11:12 AM
Hindi naging hadlang ang layo ng Villa Floresta upang handugan sila ng Lokal na Pamahalaan ng serbisyo-publiko. Isinagawa noong Biyernes, ika-21 ng Setyembre ang pinakaaabangang K-Outreach Program sa covered court ng barangay.

POWAS, Dumaloy na sa San Mauricio

Published: September 20, 2018 05:14 PM
Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng proyektong Potable Water System (POWAS) sa lungsod para mabigyan ang mga mamamayan ng malinis na supply ng tubig lalong-lalo na sa malalayong barangay.

Potable Water System sa Parang Mangga

Published: September 19, 2018 08:18 AM
Walang tigil ang Lokal na Pamahalaan sa paghahatid ng proyektong Potable Water System (POWAS) sa lungsod upang maabot ng malinis at ligtas na tubig ang malalayong lugar.

Oath Taking Ceremony ng Homeowners Association Officers

Published: September 19, 2018 02:26 AM
Pormal na nanumpa noong Setyembre 13 ang mga bagong halal na opisyal ng Venturina Homeowners Association Inc. at Bumatay Homeowners Association Inc. sa Barangay Kita-kita, at Pabalan Homeowners Association Inc. sa Abar 1st.

#OmpongPH Relief Operations

Published: September 17, 2018 07:53 AM
Nagsagawa ng maagap na relief operations ang Lokal na Pamahalaan ngayong Setyembre 15 sa mga designated evacuation areas sa ilang apektadong barangay.


LTOPF Caravan, pinilahan

Published: September 13, 2018 02:15 PM
Nagsagawa ang Philippine National Police (PNP) San Jose City ng isang araw na License to Own and Possess Firearm (LTOPF) Caravan nitong Setyembre 10 upang hikayatin ang mga gun owner na kumuha ng lisensya para sa pagkakaroon ng baril o armas.

170 estuyante ng ALS, nagtapos

Published: September 12, 2018 04:38 PM
Panibagong batch na naman ng mga nagbalik-eskwela ang nakapagtapos ng Alternative Learning System (ALS) Curriculum ng Department of Education (DepEd) �San Jose nitong Lunes, Setyembre 10.

Kauna-unahang Teen Information Center sa Nueva Ecija, nagbukas na

Published: September 11, 2018 11:57 AM
Pormal nang pinasinayaan at binasbasan nitong araw, Setyembre 10, ang pagbubukas ng dalawang mahahalagang opisina na magiging kaakibat ng mga kabataan sa Lungsod San Jose: ang Teen Information Center (TIC) at Local Youth Development Office (LYDO). Ginanap ang okasyon sa 3rd Floor, City hall Building.