Malikhaing Festival Costume, inirampa
Published: April 24, 2019 05:57 AM
Mga naggagandahang kasuotang nagpapakita ng kultura ng Pagibang Damara ang bumida noong Lunes, Abril 22 sa City Social Circle sa pre-pageant night ng Mr & Miss San Jose City 2019.
Sa Festival Costume competition, nagpakita ng mga malilikhaing kasuotan ang mga kandito at kandidata ng nasabing patimpalak kagandahan.
Sinundan ito ng Talent Competiton kung saan limang Mister at limang Miss ang napiling magpakita ng kanilang mga talento.
Summer vibe naman ang ipinakita sa huling segment na Summer Wear kung saan ang mga Mister ay nagsuot ng koleksyon ni Erjohn dela Serna, habang ang mga Miss ay nagsuot naman ng mga damit na likha ni Modz Linsangan.
Nagwagi bilang Best in Festival Costume sina Mr. Andrei James Cruz at Miss Erika Mae Cuevas.
Itinanghal na Mr Talent si John Dave Santos na nagbigay aliw sa mga manonood sa pamamagitan ng kanyang modern puppetry dance, habang Miss Talent naman si Erika Mae Cuevas na nagpamalas ng husay sa pagsasayaw ng Binasuan.
Sa kategoryang summer wear, nagwagi naman sina Mr Renelito Afable at Miss Erika Mae Cuevas pa rin.
Iginawad din ang mga special corporate awards noong gabing iyon kung saan itinanghal na Mr & Miss Skin Light sina Kleoven dela Fuente at Erika Mae Cuevas; Mr & Miss Cool Connection sina John Aldrich Abugado at Sophia Nicole Bunao; Mr & Miss Likhang Sining sina Andrei James Cruz at Jan Marnelli Sayson.
Idinaos ang pre-pageant competition sa pamamagitan ng suporta ng mga sponsors at logistical support ng Lokal na Pamahalaan.
Gaganapin naman ang inaabangang coronation night sa Abril 25, alas-otso ng gabi sa PAG-ASA Sports Complex.