Street Concert with Juan Karlos Band and December Avenue
Published: May 08, 2019 03:25 PM
Jam-packed ang Public Market sa ginanap na Street Concert doon nitong Abril 26 kung saan tampok ang indie pop rock band na December Avenue at ang banda ng dating The Voice Kids Philippines (Season 1) finalist na si Juan Karlos.
Masayang naki-sing-along ang mga manonood lalo na nang kantahin ng Juan Karlos Band ang kanilang sikat na awiting “Buwan” at nagtilian naman sa kilig nang tugtugin na ng December Avenue ang mga hit song nilang “Kung ‘Di Rin Lang Ikaw”, “Kahit ‘Di Mo Alam”, at “Sa Ngalan ng Pag-ibig”.
Nag-perform din sa Street Concert ang San Jose City National High School Band, Dalisay & Friends, Ville Anonymous, at Outlive Band.
Nakisaya naman sa concert sina Punong Lungsod Kokoy Salvador kasama ang kaniyang pamilya, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang at ilang konsehal.