Mr & Miss San Jose City 2019, kinoronahan
Published: April 27, 2019 02:53 AM
Hindi napigil ng brownout ang pagkinang ng kagandahan ng dalawampu't apat na kandidato at kandidata para sa Mister & Miss San Jose City 2019 nitong Huwebes, Abril 25 sa PAG-ASA Gym.
Itinanghal na Mr San Jose City 2019 si John Carlo Paragsa, isang ALS student at basketball player mula sa Brgy F.E. Marcos habang kinoronahan namang Miss San Jose City 2019 ang dating Miss Core Gateway College na si Jesree Einz Aguilar mula sa Brgy. Sto. Niño 1st.
Itinanghal ding Best in Formal Wear si Paragsa, habang si Aguilar naman ay Miss Alesso Body Physique at Best in Evening Gown.
1st runner-up sa Mister si Andrei James Cruz, isang honor student mula sa Brgy. Abar 1st na pinahanga ang mga manonood sa kanyang husay sa pagsagot sa Q&A round; at sa Miss ay si Sophia Nicole Bunao, isang pre-med student mula sa Brgy. R Eugenio na nagsabing bilang inspirasyon at role model, ang kanyang korona ay hindi lamang para sa kanya kundi para sa 150,000 San Josenio. Ginawaran din ng special corporate award na Miss Cool Connection si Bunao, habang si Cruz ay itinanghal na Shakey’s People Choice awardee, Best in Festival Costume, at Mister Likhang Sining.
Itinanghal na 2nd runner-up sa Mister si Argel Joseph Mina, isang home-based online freelance worker ng Brgy. A. Pascual, habang si Jemimah Olo ng Brgy. Sto. Tomas, isang mag-aaral ng Senior High sa San Jose City National High School naman sa Miss. Naiuwi din ni Olo ang Miss Congeniality award.
Kabilang sa mga pumasok sa Top 6 – Mister sina Renelito Afable, Angelito Pregillana at Angel Dumpit na pawang mga taga-Sto. Niño 1st. Nakuha ni Afable ang Best in Summer Wear at Best in Swimwear habang Mr. Photogenic naman si Pregillana.
Semi-finalists sa Miss sina Erika Mae Cuevas ng Brgy. Sto. Tomas, Jan Marnelli Sayson ng Brgy. Caanawaan, at Donnalyn Basanes ng Brgy. San Juan. Hinakot ng labingpitong-taong gulang na si Cuevas ang special awards na Shakey’s People's Choice, Miss Skin Light, Best in Festival Costume, Miss Talent, Best in Summer Wear at Best in Swimwear, habang ginawaran naman ng Miss Likhang Sining at Miss Photogenic awards ang honor student na si Sayson.
Ang iba pang nag-uwi ng special awards ay sina Harley Victoria ng Brgy. Sto. Niño 2nd (Mr Alesso Body Physique), John Dave Santos ng Brgy. Don Canuto Ramos (Mister Talent), John Aldrich Abudado ng Brgy. Santo Tomas (Mister Cool Connection at Mister Congeniality), at Kleoven dela Fuente ng Brgy. Crisanto Sanchez (Mr. Skin Light).
Nagsilbing hurado ang mga celebrities na sina Marlon Stockinger at Anjo Damiles, fashion designer Jot Losa, VP of Mercator Models & Talent Management Mau De Leon, at ang batang negosyanteng taga-San Jose na si Ma. Beatrice Violago. Sa ikatlong pagkakataon ay naging host ng pageant ang British-Filipino model and professional host Marc Nash.
Nagpamalas ng kanilang talento sa pagsayaw ang mga grupo ng CONSOLE, The Community at Version 3. Nagpakita naman ng husay sa pag-awit ang dating The Voice Teen contestant na si Duen Caoili kasama si Gracious de Guzman nang kantahan nila ang mga kandidato at kandidata.
Sumabay sa ganda ng mga Misters & Misses ang katatapos lang kumpunihing entablado ng PAG-ASA Gym at ang disenyong produksiyon ng naturang patimpalak kagandahan.