News »


K-Outreach, naki-fiesta sa Brgy. Sto. Ni�o 2nd

Published: January 14, 2019 05:03 PM



Nagkataong fiesta sa Brgy. Sto. Nino 2nd kaya naman pinapiyestahan din ng mga mamamayan ang pagdayo ng K-Outreach Program nitong ika-14 ng Enero na ginanap sa kanilang covered court.

Gaya ng inaasahan, naghatid ng mga libreng serbisyo at biyaya ang Lokal na Pamahalaan. Nagpamigay ng mga gamot, bitamina, bigas, groceries, contraceptives, salamin sa mata, seedlings, at bakuna sa mga alagang aso. Bukod sa mga nabanggit, nagkaroon din ng libreng medical at dental check-up, pagrerehistro, pagpapayong legal, pagbibigay-kaalaman sa licensing, housing at mga benepisyo para sa senior citizens, pagtitimbang ng mga bata, feeding, libreng gupit at masahe, at napakarami pang iba.

At para lalong sumaya ang aktibidad, dumating at nakisaya si Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang at ilang opisyales ng Sangguniang Panglungsod. Bawat isa ay nagbigay ng mensahe at pagbati sa mga mamamayan.

Isang tanghalian (boodle fight) ang masayang pinagsaluhan ng lahat bilang pagpapakita ng pagkakaisa para sa mas malawig pang progreso sa lungsod.

Nakiisa din sa pagtitipon ang mga barangay officials ng Brgy. Sto. Nino sa pangunguna ni Kapitan Ferdinand R. Soliven.