23 guro, nabigyan ng Master�s Thesis Writing Program Grant
Published: March 14, 2019 05:05 PM
Bilang pagpapatupad sa ordinansa bilang 18-110 o ang Master’s Thesis Writing Program Ordinance, mapalad na napili ang 23 guro mula sa Dibisyon ng San Jose.
Ibinigay kahapon (Marso 13) ang grant na tig-sampung libong piso sa bawat isang guro na pumasa sa itinakdang batayan at nakapagpasa ng mga rekisito para mapabilang sa Master’s Thesis Writing Program.
Naroon din upang sumuporta at nagbigay ng mensahe si Punong Lungsod Kokoy Salvador at sinabi niyang pagbutihin pa ang pagtuturo ng mga guro para sa kinabukasan ng mga kabataan sa Lungsod San Jose.
Sa kasalukuyan ay mayroon pang pitong slot na natitira kaya naman sa mga guro na interesado na maka-avail ng grant, magtungo lamang sa Tanggapan ng Punong Lungsod at hanapin si JV Patacsil.