POWAS sa Brgy. Sto. Tomas, dumaloy na
Published: February 18, 2019 05:12 PM
Pormal nang pinasinayaan ang POWAS sa Sto. Tomas (Zone IX) nitong umaga (Pebrero 15) sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, kasama ang mga opisyal ng barangay at mga residente roon.
Ang POWAS ang isa sa pinakamalaking proyekto ng Lokal na Pamahalaan upang mabigyan ng malinis na tubig ang mga barangay na makatutulong nang malaki sa pangangailangan ng mga mamamayan partikular sa inumin at panggamit sa pagluluto upang makaiwas sa mga sakit.
Kailangan lamang makipag-ugnayan sa tagapangisawa ng POWAS sa barangay upang makabitan ng serbisyo. Ang tubig na makokonsumo ay mayroon lamang maliit na halagang kabayaran. Ang mga koleksyon ay pamamahalaan din mismo ng asosasyon ng mga benepisyaryo ng proyekto, ang kanilang kita rin ang siyang gagamitin sa pagme-mentina nito.
Pang-dalawampu’t dalawa (22) ang POWAS na ito sa naitayo na mula nang ito ay simulan noong 2018. Noong isang linggo, dumaloy na rin ang POWAS sa Brgy. Sinipit Bubon.
Dumating din sa inawgurasyon sina Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang at mga konsehal ng Sangguniang Panglungsod na sina Trixie Salvador, Niño Laureta, Atty. Ronald Lee Hortizuela, Roy Andres, Wilfredo Munsayac gayundin sina Pastor Ancheta, at Gerald Ignacio.