News »


Dog Fashion Show at Family Fun Day, nagbigay saya sa fiesta

Published: May 07, 2019 11:23 AM



Nag-ala-‘supermodel’ ang 58 aso suot ang mga nakakaaliw at makukulay na costume sa ginanap na Dog Fashion Show ang Look-a-Like Contest noong Abril 27 ng umaga.

Rumampa sa Pag-Asa Sports Complex ang mga aso kasama ang kanilang pet owner na magkaterno ng kasuotan at talaga namang kinagiliwan ng mga manonood.

May nagbihis ng parang reyna at prinsesa, may naka-cowboy, Wonderwoman, anghel, rockstar, at iba pang kakaibang karakter.

Panalo sa purebred category ang alagang aso ni Emil Galupe, pumangalawa
ang aso ni Richard dela Cruz, at ikatlo ang alaga ni Dino Cervantes.

Sa native breed, nanguna si Cariza Mae Valdez, sumunod sina Edward Ceazar Acica at Bong Felicer.

Wagi naman sa iba pang kategorya ang mga sumusunod na dog owners:

Owner and look-a-like and City Vet Choice: Ricardo Dela Cruz
Best in Casual: Angelica Bernabe
Best in Sports: Andrea Catacutan
Best in Gown: Ailyn Delos Reyes
Best in Fantasy Wear: Dino Cervantes
Best Groomed Dog: Danilo Petralba
Best in Talent: Amarie Catindig

Samantala, kinahapunan ay 60 bata naman ang napasaya sa Jollibee Family Fun Day at napiling Best in Costume ang batang si Kurt Hentez at Early Bee naman ang batang si Fion Verona.