News
News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija
Huling Batch ng Kabilang sa SFW Program, Nakaalis na
Published: May 25, 2023 07:58 AM
Nakaalis na ngayong araw (Mayo 25) papuntang South Korea ang huling batch ng mga San Josenio na kabilang sa Seasonal Farm Workers (SFW) Program.
Pagkilala kina Aikon Ignacio at Princes Lazaga mula sa Sangguniang Panlungsod
Published: May 24, 2023 03:16 PM
Binigyan ng pagkilala sina Ivan Aikon Ignacio at Princes Lazaga ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session nitong umaga (Mayo 24) dahil sa kanilang matagumpay na pagsabak sa national pageant bilang kinatawan ng Lungsod San Jose.
64 SFW Lumipad na Patungong South Korea
Published: May 23, 2023 01:35 PM
Lumipad patungong South Korea ngayong araw (May 23) ang 64 na Seasonal Farm Workers (SFW) mula sa lungsod.
2023 RSPC sa Lungsod San Jose
Published: May 22, 2023 04:44 PM
Isa na namang makasaysayang pangyayari ang nasaksihan sa Lungsod San Jose matapos idaos dito ang Central Luzon Regional Schools Press Conference (RSPC) sa kauna-unahang pagkakataon.
K Outreach sa Brgy. A. Pascual
Published: May 19, 2023 03:47 PM
Dumayo ang K Outreach Program nitong umaga (Mayo 19) sa Brgy. A. Pascual, kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, ilang konsehal ng lungsod, at mga kawani ng iba�t ibang opisina ng lokal na pamahalaan para maghatid ng mga libreng tulong at serbisyo.
Bagong Silid-Aralan sa Porais Elementary School at San Raymundo Elementary School
Published: May 18, 2023 03:39 PM
Opisyal na ipinagkaloob ang mga bagong silid-aralan sa Porais Elementary School at San Raymundo Elementary School sa Brgy. Tondod kahapon (Mayo 17).
Seminar sa Mga Polisiya sa Paggamit ng Pondo ng Pamahalaan para sa mga Indigenous People
Published: May 17, 2023 03:24 PM
Nagsasagawa ngayon (Mayo 17) ng seminar tungkol sa mga polisiya sa paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa mga Indigenous People (IP).
Gulayan sa Bakuran sa Brgy. Villa Joson
Published: May 16, 2023 01:43 PM
Sama-samang nagtanim para sa Gulayan sa Bakuran sa Brgy. Villa Joson sina Vice Mayor Ali Salvador, ilang konsehal ng lungsod, opisyal ng barangay, mga mag-aaral ng Parilla Elementary School, at Asosasyon ng Potable Water System (POWAS) Phase 2 ng naturang barangay kaninang umaga (May 16).
Gulayan sa Bakuran (Brgy. Caanawan at Brgy. Culaylay)
Published: May 15, 2023 01:48 PM
May Gulayan sa Bakuran na rin sa Brgy. Caanawan kung saan sama-samang nagtanim ang asosasyon ng Potable Water System (POWAS) dito ng sili, talong, at kamatis kaninang umaga (May 15).
K Outreach Program sa Brgy. Sinipit Bubon
Published: May 12, 2023 01:35 PM
Umarangkada ang K Outreach Program sa Brgy. Sinipit Bubon ngayong araw (Mayo 12) para makiisa sa selebrasyon ng unang araw ng kapistahan ng nasabing barangay.
Cash for Work Program for PWDs
Published: May 11, 2023 07:00 PM
Ipinagkaloob kaninang umaga (Mayo 11) sa 214 na Persons with Disabilities (PWD) ang kanilang benepisyo mula sa Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o Kalahi-CIDSS Cash for Work Program for PWD ng Department of Social Welfare and Development.
Gulaya sa Bakuran - Sto. Tomas
Published: May 09, 2023 11:35 AM
May Gulayan sa Bakuran na rin sa Brgy. Sto. Tomas matapos ilunsad doon ang naturang proyekto kaninang umaga, Mayo 9 katuwang ang asosasyon ng Potable Water System (POWAS).
Ika-16 na Pagkatatag ng Panganakang Lungsod San Jose
Published: May 08, 2023 04:19 PM
Labing-anim (16) na taon nang naghahatid ng serbisyo publiko ang Panganakan ng Lungsod San Jose at nitong umaga, Mayo 8, ipinagdiwang ang anibesaryo ng pagkakatatag nito sa City Health Compound.
Pagkilala sa mga Atletang San Josenio
Published: May 08, 2023 01:26 PM
Kinilala kaninang umaga, Mayo 8 ang mga estudyanteng atleta na nanalo sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet na ginanap nitong Abril 24-28 sa iba�t ibang lugar sa rehiyon.
Health Education Promotion for Supplemental Immunization
Published: May 05, 2023 03:05 PM
Nagsagawa ng Health Education Promotion for supplemental immunization ang City Health Office (CHO) ngayong araw (Mayo 5) sa Learning and Development Room, City Hall bilang bahagi ng programang Chikiting Ligtas 2023 ng Department of Health (DOH).
K Outreach Program sa Brgy. Tabulac
Published: May 05, 2023 12:52 PM
Isinagawa ang K Outreach Program sa Barangay Tabulac kaninang umaga (Mayo 5) bilang pakikiisa sa nalalapit na kapistahan ng nasabing barangay.
Jollibee Group Foundation bumisita sa KALASAG MPC
Published: May 04, 2023 06:00 PM
Dumayo ang Jollibee Group Foundation (JGF) sa lungsod ngayong araw (Mayo 4) para bisitahin ang KALASAG Multi-Purpose Cooperative (KALASAG MPC).
Ika-7 POWAS ng Kita-Kita, Pinasinayaan
Published: May 04, 2023 04:20 PM
Isa na namang Potable Water System (POWAS) ang opisyal na binuksan sa Brgy. Kita-Kita kaninang umaga (Mayo 4).
Coconut Twine and Geonet-Making Training
Published: May 03, 2023 04:50 PM
Nagsanay sa paggawa ng coconut twine at geonet ang mga empleado ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ngayong araw (Mayo 3) sa Biowaste Processing Facility sa Sitio Bliss, Brgy. Malasin.
Chikiting Ligtas ng DOH
Published: May 02, 2023 12:04 PM
Inilunsad kaninang umaga (Mayo 2) sa lungsod ang programang Chikiting Ligtas ng Department of Health (DOH) para sa malawakang pagbabakuna kontra polio, rubella, at tigdas.
POWAS Gulayan sa Bakuran - San Juan
Published: April 28, 2023 07:00 PM
Patuloy na dumarami ang asosasyon ng Potable Water Supply (POWAS) ang nakikiisa sa proyektong Gulayan sa Bakuran.
K Outreach - Abar 2nd
Published: April 28, 2023 04:07 PM
Dumalaw sa Abar 2nd ang K Outreach Program kahapon (Abril 27) bilang pakikiisa sa fiesta ng naturang barangay.
Pnapsack Sprayer ad Plastic Crates Distribution
Published: April 28, 2023 08:00 AM
Pinagkalooban ng knapsack sprayer at plastic crates ang apat na asosayon ng magsasaka sa lungsod kahapon (Abril 27) sa pangunguna ng City Agricultural Office (CAO).
Sen. Imee Marcos sa Lungsod San Jose
Published: April 27, 2023 04:32 PM
Bumisita ngayong araw (Abril 27) sa lungsod si Sen. Imee Marcos para sa pamamahagi ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
MTB Enduro Race
Published: April 26, 2023 03:33 PM
Maaksiyong karera ang nasaksihan nitong Sabado (Abril 22) sa ginanap na MTB Enduro Race sa Brgy. Villa Floresta.
Solo Parents Week Celebration
Published: April 26, 2023 12:12 PM
Ipinagdiwang sa kauna-unahang pagkakataon ang Solo Parent�s Week kahapon (Abril 25) sa lungsod na may temang �RA 11861: Bagong batas na mas Pinagtitibay, Kaakibat ng Solo Parents sa Tagumpay�.
Off-road Challenge
Published: April 25, 2023 03:20 PM
Nagpamalas ng tatag at angas ang mga 4x4 na sasakyan sa Off-Road Challenge nitong Sabado, Abril 22 sa Brgy. Caanawan.
San Jose City Invitational Motocross
Published: April 25, 2023 11:53 AM
Sa kabila ng matinding sikat ng araw, hindi natinag ang halos 100 motocross drivers mula sa iba�t ibang bayan at probinsiya nitong Biyernes (Abril 21) sa Brgy. Caanawan.
Invitational Fun Shoot Competition
Published: April 25, 2023 08:00 AM
Nagtagisan ng galing sa pag-asinta ang 106 registered shooters na lumahok sa Invitational Fun Shoot Competition nitong Abril 22 sa Lian�s Firing Range, Brgy. Pinili.
Gabi ng Mamamayan
Published: April 24, 2023 08:00 PM
Nagtipon-tipon sa Gabi ng Mamamayan ang mga opisyal ng mga barangay sa lungsod, kasama ang ilang residente sa ikalimang gabi ng Pagibang Damara Festival nitong Sabado, Abril 22.
Bonsai Exhibition and Competition
Published: April 24, 2023 05:00 PM
Iba't iba uri ng halamang bonsai ang idinisplay sa WalterMart � San Jose nitong April 20-22 sa Bonsai Exhibition & Competition.
Pagibang Damara Basketball Game
Published: April 24, 2023 12:57 PM
Naging mainit ang bakbakan ng Team San Jose City kontra sa mga bisitang vlogger at ex-PBA Players sa ginanap na Basketball nitong Sabado (April 22) sa Simeon Garcia Sports Complex sa San Jose City National High School, bilang bahagi ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival 2023.
Street Concert with This Band & Kamikazee
Published: April 24, 2023 02:33 PM
Sa hudyat ni Mayor Kokoy Salvador na mag-rock �n roll, dumagundong ang buong Public Market sa taas ng enerhiya ng mga manonood sa ginanap na Street Concert kagabi (April 23) kung saan guest performers ang mga sikat na bandang #KMKZ at This Band.
Mister and Miss San Jose City 2023
Published: April 22, 2023 11:06 PM
Kinoronahan bilang Mister & Miss San Jose City 2023 sina John Dave Apostol ng Brgy. Sto. Ni�o 2nd at Mariya Jeffy Felimon ng Brgy. Caanawan sa ika-limang edisyon ng beauty pageant na ginanap sa Pag-Asa Sports Complex nitong Biyernes, April 21.
Dog Fashion Show
Published: April 22, 2023 06:33 PM
Nag-ala-runway models ang mga aso kasama ang kanilang fur parents sa ginanap na Dog Fashion Show and Look-alike Contest ngayong araw sa Pag-asa Sports Complex.
Ultra Spectrum Color Run and Rave Party
Published: April 21, 2023 06:44 PM
Isa na namang epic Color Run ang nasaksihan sa lungsod kahapon (April 20) na nilahukan ng higit 3,000 katao.
Senior Citizens' Night
Published: April 20, 2023 05:00 PM
Napuno ng kasiyahan, tugtugan, at sayawan ang Senior Night kagabi sa Pag-asa Sports Complex bilang bahagi ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival 2023.
Best of the Best (Battle of the Winners)
Published: April 20, 2023 03:00 PM
Nagpamalas ng galing sa pagkanta at pagsayaw ang walong mang-aawit at pitong dance group sa ginanap na Best of the Best (Battle of the Winners) Sing and Dance Competition kagabi (Abril 19) sa City Social Circle.
Chess Tournament
Published: April 20, 2023 01:19 PM
Nagtagisan ng galing sa chess ang 77 manlalaro mula sa San Jose City, Science City of Mu�oz, Llanera, Lupao, Carranglan, at Rizal sa ginanap na Chess Tournament sa WalterMart-San Jose kahapon (Abril 19).
Gabi ng Pasasalamat
Published: April 19, 2023 12:59 PM
Dumagsa ang higit 2,000 miyembro ng San Jose City Pastoral Movement (SJCPM) kagabi (Abril 18) sa City Social Circle para sa Gabi ng Pasasalamat.
MTB Cross Country Race and Fun Ride
Published: April 18, 2023 05:02 PM
Umarangkada kaninang umaga ang mahigit 500 duathlon athletes sa MTB Cross Country Race and Fun Ride sa unang araw ng Pagibang Damara Festival.
Pagibang Damara Festival 2023 Opening
Published: April 18, 2023 12:09 PM
Opisyal nang binuksan ang taunang pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival sa Lungsod San Jose ngayong araw, Abril 18.
K Outreach sa Brgy. Palestina
Published: April 14, 2023 02:20 PM
Naghatid ng iba�t ibang tulong at serbisyo sa Brgy. Palestina ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan kaninang umaga (Abril 14), kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang konsehal ng lungsod.
Sto. Ni�o 3rd POWAS Phase 11 Inauguration
Published: April 13, 2023 05:00 PM
Pormal na pinasinayaan ang Potable Water System (POWAS) sa Zone 1, Brgy. Sto. Ni�o 3rd nitong umaga (Abril 13), kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, Bokal Dindo Dysico, ilang konsehal ng lungsod, at opisyal ng barangay.
K Outreach sa Brgy. Parang Mangga
Published: April 11, 2023 01:51 PM
Naghatid ng mga libreng tulong at serbisyo ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan ngayong umaga (Abril 11) sa Brgy. Parang Mangga.
Libreng Wheelchair at Prosthesis
Published: April 05, 2023 12:58 PM
Nakatanggap ng libreng wheelchair at prosthesis ang 21 person with disabilities (PWD) sa munisipyo kaninang umaga (Abril 5).
K Outreach Program sa Brgy. San Agustin
Published: March 31, 2023 02:51 PM
Dinayo ng K Outreach Program ang Brgy. San Agustin ngayong araw (Marso 31) kasama si Vice Mayor Ali Salvador, gayundin ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng lokal na pamahalaan.
2023 State of the City Address (SOCAD)
Published: March 30, 2023 05:53 PM
Natunghayan ngayong araw, Marso 30, ang Ulat sa Bayan o State of the City Address (SOCAD) ni Punong Lungsod Kokoy Salvador upang mailahad sa mga San Josenio ang mga naisakatuparang programa at proyekto ng lokal na pamahalaan sa nagdaang taon.
Recognition of Taekwondo Players
Published: March 27, 2023 02:34 PM
Kinilala kaninang umaga (Marso 27) sa flag raising ceremony sa City Social Circle ang mga kabataang San Josenio na nanalo sa iba�t ibang Taekwondo Championships na ginanap kamakailan.
K Outreach sa St. Cecilia, Abar 1st
Published: March 24, 2023 05:06 PM
Muling naghatid ng mga libreng tulong at serbisyo ngayon araw (Marso 24) ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan sa St. Cecilia, Abar 1st, kung saan nakadaupang palad ng mga residente si Vice Mayor Ali Salvador at ilang konsehal ng lungsod.