Lantern Parade and Competition 2023
Published: December 05, 2023 02:20 PM
Lalong nagningning ang Lungsod San Jose nang iparada ang mga kumukuti-kutitap na higanteng parol sa Lantern Competition kagabi, Disyembre 4.
Ipinarada ang mga ito mula sa tirahan nina Mayor Kokoy Salvador patungong Public Market kung saan ginanap ang presentasyon ng bawat parol ng 12 paaralan, gayundin ang kani-kanilang 'chant'.
Kaugnay nito, nanguna ang parol ng San Agustin Integrated School na gawa sa iba't ibang klase ng buto.
Nakuha naman ng Caanawan National High School ang pangalawang puwesto at pangatlo ang San Jose City National High School.
Samantala, kampeon naman sa chanting competition ang Kita-Kita High School.
Buong suporta sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang kanilang pamilya at ilang konsehal sa nasabing programa na isa sa mga tampok na atraksiyon dito ngayong Kapaskuhan.
Inanunsiyo rin na magiging kinatawan ng lungsod ang nagwaging parol sa patimpalak ng Pamahalaang Panlalawigan.
Nagpasalamat naman si City Tourism Officer Darmo Escuadro sa mga sumuporta at lumahok sa programa.