Bagong K Building, Itatayo sa Ciriaco Estebas ES
Published: October 17, 2023 06:00 PM
Isang bagong dalawang palapag na gusaling pampaaralan ang itatayo sa Ciriaco Esteban Elementary School (ES) sa Sto. Niño 1st matapos isagawa rito nitong umaga (Oktubre 17) ang groundbreaking ceremony ng naturang proyekto.
Dinaluhan ito nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador at iba pang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, gayundin ng ilang kinatawan ng Schools Division Office sa pangunguna ni Asst. Schools Division Superintendent Donato Chico.
Ayon kay City Engr. Esteban Valdez Jr., may bagong disenyo ang naturang K building na ginawa ni City Architect Quirino delos Santos.
Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Ciriaco Esteban ES Principal II Rosalie Patiag sa laging pagsuporta ng Punong Lungsod sa edukasyon.
Sa mensahe ni Mayor Kokoy, sinabi niyang patuloy ang pagpapatayo ng mga kinakailangang silid aralan dahil naniniwala siyang ang pag-aaral ng mga kabataan ang susi para makaahon sa kahirapan.
Samantala, isinabay rin sa nasabing okasyon ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng Parents Teachers Association (PTA) doon.