Seasonal Farm Workers, nakabalik na mula South Korea
Published: October 26, 2023 01:13 PM
Balik Pilipinas na ang 184 na San Josenio na nagtrabaho bilang Seasonal Farm Worker (SFW) sa Hongcheon-Gun, Gangwon Province, South Korea sa loob ng limang buwan.
Ligtas at maayos na nakauwi sa lungsod ang naunang batch nitong Oktubre 19 at dumating naman ang huling batch kahapon.
Umalis ng bansa ang mga farm worker noong Mayo sa pamamagitan ng SFW Program na inilunsad dito, sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang Tanggapan ng Punong Lungsod.
Ikwinento naman ng isang farm worker na galing doon na bagama't mahirap sa umpisa, gumaan ito sa paglipas ng araw sa tulong ng mga kasamang manggagawa at mababait na amo.
Ayon sa PESO, maaari pang bumalik sa South Korea ang mga SFW na hiniling ng kanilang employer para sa susunod na farming season.
Nilinaw rin ng PESO na wala pang hiring sa ngayon para sa mga bagong SFW.