Pagdiriwang ng Linggo ng Katandaang Pilipino (Elderly Filipino Week)
Published: October 18, 2023 01:44 PM
Isang araw ng kasiyahan, sayawan, at salo-salo ang idinaos kahapon (Oktubre 17) para sa mga senior citizen sa lungsod bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Linggo ng Katandaang Pilipino (Elderly Filipino Week) na may tema ngayong taon na: "Honoring the Invaluable Legacy of Filipino Senior Citizens".
Sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 470 ni dating Pangulo Fidel V. Ramos, itinakda ang unang linggo ng Oktubre ng bawat taon bilang Linggo ng Katandaang Pilipino upang kilalanin ang mahalagang papel at kontribusyon ng mga senior citizen sa lipunan.
Kaugnay nito, tiniyak ni Vice Mayor Ali Salvador ang suporta at pagpapahalaga ng Sangguniang Panlungsod at buong lokal na pamahalan sa mga lolo at lola sa lungsod.
Aniya, lagi silang kaagapay at maaasahan sa mga proyekto at programang nakalaan sa mga senior citizen, katuwang ang Office of the Senior Citizen's Affairs (OSCA).