News »


Lokal na Pamahalaan, Pinarangalan

Published: October 20, 2023 03:53 PM



Pinarangalan ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose kahapon (Oktubre 19) bilang pagkilala sa suporta nito para maitatag ang kauna-unahang rehistradong Credit Surety Fund Cooperative sa Gitnang Luzon.

Tinanggap ni Mayor Kokoy Salvador ang parangal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija at Cooperative Development Authority – Region III sa ginanap na Provincial Cooperative Month Celebration sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City.

Bukod dito, kinilala rin ang City Cooperative Development Council at mga kooperatiba sa lungsod na San Jose City Credit Surety Fund Cooperative, San Jose City Government Credit Cooperative, at KALASAG Multi-Purpose Cooperative.