News »


National Cooperative Month 2023 Celebration

Published: October 17, 2023 01:50 PM



Ginawaran ang Simula ng Panibangong Bukas Multi-Purpose Cooperative (SIPBU MPC) ng PHP600,000.00 para sa kanilang proyektong Enhancement of the Village Level Dairy Processing Center na matatagpuan sa Brgy. Porais.

Katuwang sa nasabing proyekto ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose, Department of Agrarian Reform - Nueva Ecija Provincial Office (DARPO), Philippine Carabao Center (PCC), Department of Trade and Industry (DTI) - Nueva Ecija, at Department of Science and Technology (DOST) Region 3 na pawang lumagda sa isang kasunduan o Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagpapatupad nito.

Layunin ng proyekto na mas mapaganda at mapahusay ang processing center ng SIPBU MPC at mapanatiling matatag ang kooperatiba para patuloy na makapagbigay ng kabuhayan at dagdag na kita sa mga benepisyaryo.

Idinaos ang paggawad ng tseke kahapon (Oktubre 16) sa City Social Circle sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, kasama si City Cooperative Development Officer Ma. Cristina Corpuz.

Samantala, pinangunahan din ng Punong Lungsod ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng San Jose City Credit Surety Fund (CSF) Cooperative na binubuo ng 10 kooperatiba na kabilang sa CSF ng lungsod.

Isinagawa ang mga naturang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Cooperative Month ngayong Oktubre na may temang: "Cooperatives: Pioneering the Path to Recovery Amidst Modern Challenges of Climate Change and Food Security."