News »


Maagang Pasko sa San Jose, Lalong Nadama sa Pagsisimula ng Choral Competition

Published: November 15, 2023 04:48 PM



Kasabay ng paglamig ng simoy ng hangin sa gabi, mas nadarama na ang maagang Pasko sa lungsod nang mag-umpisa ang Chorale Competition nitong Martes (Nov 14) sa City Social Circle.

Nagpasiklaban ng galing sa pagkanta ng mga awiting Pamasko ang mga kalahok mula sa iba’t ibang elementary school sa lungsod para sa elimination round ng mga kabilang sa unang cluster.

Kaugnay nito, nanalo ang A. Pascual at Kita-Kita Elementary School, at pasok na sila sa semi-finals na gaganapin sa December 1.

Magtutunggali naman sa November 17 ang ikalawang cluster ng mga kasaling paaralan sa elementarya, habang sa susunod na Martes at Biyernes ang iba pang mga grupo.

Samantala, 16 na high school ang magpapasiklaban sa Chorale Competition sa November 28, at gaganapin naman sa December 5 ang Grand Finals.

Bukod dito, mayroon pang Lantern Competition sa December 4 at film viewing gabi-gabi sa Public Market.