News »


Inagurasyon ng POWAS Phase 7 sa Brgy. Tayabo

Published: September 21, 2023 05:41 PM



Pormal na pinasinayaan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang pampitong Potable Water System (POWAS) sa Zone 4, Brgy. Tayabo ngayong araw (Setyembre 21).

Pinangunahan din ng Punong Lungsod ang panunumpa ng mga opisyal na mamamahala sa naturang POWAS, kung saan magsisilbing tagapangulo si Jefferson Pasuquin.

Hiniling naman ni Vice Mayor Ali na magkaisa ang mga namamahala at miyembro nito para mapanatili at magamit ito nang mahabang panahon.

Sinang-ayunan ito ni Mayor Kokoy at nagpaalala na mahalin at pakaingatan ang nasabing proyekto.