News »


SPES Payout

Published: September 13, 2023 01:10 PM



Natanggap na ng 164 na benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students o SPES ang kanilang suweldo kahapon (Setyembre 12) matapos magtrabaho ng 20 araw sa iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensiya at pribadong kompanya.

Pinangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO) ang naturang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang mga kabataan bilang tulong sa kanilang pag-aaral.

Payo ni PESO Manager Lilybeth Tagle sa mga estudyante, huwag lustayin sa ibang bagay at gamitin nang tama ang kanilang natanggap na suweldo para sa pangangailanagan sa eskuwela.

Ito rin ang paalala nina Vice Mayor Ali Salvador, City Councilors Mawie Munsayac-Dela Cruz at Trixie Salvador-Garcia na dumalo sa payout activity na ginanap sa munisipyo.

Anila, gawing prayoridad ang pag-aaral, magsikap na abutin ang kanilang mga pangarap, at maging inspirasyon sa mga kabataang katulad nila.