News »


Pagkilala - Barangay Population Volunteer

Published: October 02, 2023 03:59 PM



Kinilala ang Barangay Population Volunteer (BPV) ng lungsod na si Perpetua Manaois ng Barangay Porais matapos niyang makamit ang ikalawang puwesto sa ginanap na Regional Search for Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Award (RMSKPA).

Iginawad ang parangal sa 2023 Regional RMSKPA Bayani ng Komunidad Awarding Ceremony nitong ika-27 ng Setyembre sa City of San Fernando, Pampanga.

Ang naturang pagkilala ay isang pagpupugay sa dedikasyon at hindi matatawarang serbisyo ng mga BPV para maipatupad ang mga population and development program sa mga komunidad.

Kasama ni Manaois na tumanggap ng parangal si City Population Officer Nathaniel Vergara at ilang kawani ng City Population Office.

Nitong umaga, iprenisinta naman ng naturang tanggapan ang nakamit na pagkilala kay Mayor Kokoy Salvador.