News »


SEAP Awards Night

Published: September 29, 2023 03:48 PM



Kinilala ang mga natatanging lingkod bayan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose kagabi (Setyembre 28) sa ginanap na Service Excellence Award Program (SEAP) Awards Night sa Hotel Francesko.

Isa ito sa mga tampok na programa na pinangunahan ng City Human Resource Management Office (CHRMO) para sa selebrasyon ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary ngayong buwan ng Setyembre.

Kabilang sa mga pinarangalang empleado ng munisipyo ang mga sumusunood:

Leadership Award: Fernando Saturno (City Engineering Office)

Kagandahang Asal Award: Engr. Nancy Mirano (City Engineering Office)

Outside-the-Box Thinker Award: "DA Innovators" - Arnold Grospe, Arceli Galapo, Michelle Floresca, Kim Justin dela Cruz, Edgardo Velicaria (City Agriculture Office)

Natatanging Kawani in the field of:
- Health and Wellness: Teresita Peralta (City Health Office)
- Disaster Preparedness: Leodanilo Pascual, Jr. (City Engineering Office)
- Tourism: "The Logistics" - Aimee Nerona, Daryl Jay Cabiltes, Roderick Umanos. Israel Tayong, Jaiko Olan (General Services Office)
- Community Development: Christian Nicolas (PWD Affairs Office)
- Agriculture and Food Security: Kashmir Madriaga (City Agriculture Office)
- Micro and Macro Economic Enterprise: Emmanuel Reyes (City Treasurer's Office)
- Administrative, Technical, and Management Support: Lea Rose Ariem (City Assessor's Office)
- Frontline Service Provider: Sheridan Asuncion (City Disaster Risk Reduction and Management Office)

Sa kaniyang espesyal na mensahe, tiniyak ni Vice Mayor Ali Salvador na tulad ng mga kawaning nagbibigay ng 'excellent service', ibibigay rin nilang mga City Official ang kanilang best palagi.

Hinikayat din ni Vice Mayor Ali na patuloy na magtulungan, magkaisa, at paglingkuran ang taumbayan para lalong umunlad ang Lungsod San Jose.

Samantala, pagpupugay at pasasalamat din ang naging pahayag ni Maj. Eleanor M. Prado (RES, PA) Civil Service Commission (CSC) Field Office - Nueva Ecija Director II na pangunahing tagapagsalita sa programa.

Pinuri at pinasalamatan ni Maj. Prado ang laging pakikiisa ng LGU sa mga gawain at programa ng CSC, gaya ng selebrasyon ng anibersaryo ng Serbisyo Sibil, lalo na ang pagiging testing center ng San Jose City para sa Career Service Exam.

Kaugnay nito, personal na iginawad dito ng direktor ng CSC Field Office ang Certificate of Commendation para sa lokal na pamahalaan.

Bukod sa pagpupugay at pagbati sa SEAP awardees sa taong ito, kinilala rin ni Maj. Prado ang hindi matatawarang dedikasyon ng CHRMO kaya't muling nakamit ng lungsod ang Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM) Bronze Award mula sa CSC.

Aniya, "Kung sama-sama, kayang-kaya. Let us be one in serving San Jose City."