News »


Dalawang bagong K Building, itatayo sa Tayabo

Published: November 29, 2023 01:40 PM



Sa pagpapatuloy ng mga proyektong pang-edukasyon ng lokal na pamahalaan, nagsagawa ng groundbreaking ceremony nitong Martes, Nobyembre 28 para sa tig-isang K building na itatayo sa Tayabo National High School at Tayabo Elementary School.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang groundbreaking kasama ang ilang konsehal, City Engr. Esteban Valdez Jr., at Schools Division Administrative Officer V Marites Tabor.

Kamakailan ay binanggit ni Mayor Kokoy na 20 barangay ang sabay-sabay na tinatayuan ng K building.