News »


Kuwentuhan sa Kegkeg

Published: November 21, 2023 11:50 AM



Matapos ang matagumpay na "Kwentuhan sa Keg-Keg, Tara na!" noong Nobyembre 13 kasama si Vice Mayor Ali Salvador, muling nagdaos ang Panlungsod na Aklatan o City Library ng naturang aktibidad kahapon (Nobyembre 20) para sa selebrasyon ng 33rd Library & Information Services Month at 89th National Book Week na may temang “Read, ReRead, and Relive!”

Nagsilbing storytellers dito sina Dr. Chezzka Kates Soria at Nurse Precious Louwella Medina ng Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ).

Sumali at nakinig naman sa kuwento ang ilang batang namamasyal sa keg-keg.

Magkakaroon ulit ng Kuwentuhan sa Keg-keg sa Huwebes para isulong ang kahalagahan ng pagbabasa, pati na ang kasiyahang naidudulot nito sa mga bata.

Bukod dito, iba’t ibang aktibidad pa ang inorganisa ng City Library sa buwang ito gaya ng Photo Contest at Book Character Parade Contest na gaganapin sa November 23.