News »


DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS

Published: November 17, 2023 04:35 PM



Muling dumalaw sa lungsod si Sen. Imee Marcos para sa pamamahagi ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Tumuloy sa Kambal Pag-asa Gym sa Brgy. Sto. Niño 1st ang senador kung saan ginanap ang AICS payout para sa mga solo parent at persons with disabilities (PWD).

Dahil nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan, may natanggap pang regalo ang ilang bata at senior citizens dito na kaarawan din ngayong buwan ng Nobyembre.

Bukod dito, namasyal sa Public Market si Senator Imee at nakisalo sa boodle fight, kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang konsehal.

Nagpamahagi pa ng masustansiyang nutri-bun ang senador para sa mga dumalo sa programa.