News »


Pagtatapos ng Linggo ng Kabataan

Published: November 20, 2023 04:48 PM



Bilang culminating activity sa kanilang huling araw ng panunungkulan, nagkaroon ng Symposium on Drug Prevention & Control para sa "Little City Officials" nitong Biyernes, Nobyembre 17 sa City Hall.

Tinalakay sa aktibidad ang "Physical and Mental Effects of Drug Abuse" at ang "Role of Church in Curbing Drug Abuse Problems."

Pinangunahan nina Resident Psychologist/Psychotherapist Benedick Aguilar, Vice Chairperson - SJC Pastoral Movement Rev. Bishop Harrison De Leon, at Jail Inspector Crispin Pregillana ang programa.

Dumalo rin sa programa sina konsehal Trixie Salvador at Susan Corpuz.

Napiling maglahad ng kanilang mga inasahan at naging karanasan bilang little city officials sina Little City Gov't. Dep't. Head I- Communinity Affairs Office (CAO) Ma Viella Facunla at Little City Councilor Wil Lance Capia-ao.

Ayon sa kanila, marami silang natutunan sa limang araw na panunungkulan.

Naghandog din ng pampasiglang bilang ang ilang little city officials.

Ayon kay Community Affairs Officer Ryan Laureta, makakaasa ang kabataan sa suporta ng lokal na pamahalaan.

Inaasahan naman na magkakaroon ng Youth Camp sa darating na Disyembre 8 & 9 sa La Union.