Eleksiyon ng Little City Officials, isinagawa
Published: October 07, 2023 04:43 PM
Nagtipon-tipon ngayong araw (Nobyembre 7) sa munisipyo ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang pampubliko at pribadong paaralan para sa halalan ng mga uupong Little City Official sa Linggo ng Kabataan 2023.
Nagtagisan ng galing sa pagsagot ang mga Supreme Student Government (SSG) president mula sa iba't ibang junior at senior high school sa lungsod bago ang botohan.
Kaugnay nito, naihalal na Little City Mayor si John Michael Orihara ng CORE Gateway College, Inc. at Little City Vice Mayor naman si Brenn Aisley Cabanayan ng San Jose City National High School.
Ang iba pang SSG officers mula sa iba't ibang paaaralan ay magsisilbi namang Little City Councilors at Little City Department Heads.
Ipagdiriwang ang Linggo ng Kabataan dito sa Nobyembre 13-17 at inaasahang uupo sa kani-kanilang puwesto ang mga naturang Little City Official.
Dumalo naman sa programa si Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal bilang pagsuporta sa programa.
Payo ni Vice Mayor Ali sa mga kabataan, mag-aral mabuti at sana'y magamit at maibahagi sa kanilang kapwa mag-aaral ang kanilang matututunan sa pagiging Little City Official.
Pinangunahan ng Community Affairs Office ang nasabing programa katuwang ang Department of Education (DepEd) Division of San Jose City.