News »


LGU Sportsfest 2023 Finals and Awarding Ceremony

Published: September 25, 2023 02:49 PM



Pinarangalan ngayong araw, Setyembre 25 ang mga nagsipagwagi sa katatapos na LGU Sportsfest sa taong ito.

Narito ang mga listahan ng mga nagkampeon sa iba't ibang isport:
TABLE TENNIS
Men's Singles: Green Team - John Bertrand Gatchalian
Women's Singles: Black Team - Dulce Amor Lorenzo
Men's Doubles: Blue Team - Clarc Arvin Esquillo at Mc Henry De Guzman
Women's Doubles: Yellow Team - Rona Mae Tolentino at Jean Erica Ramos
Mixed Doubles: Black Team - Johnson Fernandez at Ruby Ann Manabat

BADMINTON
Men's Singles: Black Team - Glenn Edward Celestino
Women's Singles: Green Team - Neriza Gutierrez
Men's Doubles: Black Team - Randy Macadangdang at Jerome Lomboy
Women's Doubles: Red Team - Princes Jezalen Mañosca at Louise Kaye Benedicto
Mixed Doubles: Green Team - Gilbert Tayao at Michele Salmo

CHESS:
Yellow Team - Elmer Salonga, Nicolas Sonny Santos, Miguel Lindain

Pinangunahan ni Vice Mayor Ali ang paggawad ng parangal, kasama sina City Councilor Patrixie Salvador-Garcia, City Administrator Alexander Glen Bautista, at City Human Resource Management Officer Romeo 'Joel' Yacan Jr.

Binuksan ang taunang palaro para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan nitong Setyembre 12 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Serbisyo Sibil sa buwang ito.

Bukod sa mga nagwagi sa sportsfest, ginawaran din ng Service Recognition nitong umaga sa City Social Circle ang mga empleado na may 10, 15, at 30 taon na sa serbisyo.

Kinilala rin dito ang Philippine National Police (PNP) - San Jose para sa kanilang kontribusyon at suporta sa idinaos na Carer Service Exam sa lungsod noong Agosto 20.