World Rabies Day
Published: September 29, 2023 06:00 PM
Kaisa ang lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng World Rabies Day kahapon, Setyembre 28 na may temang "Rabies: All for 1, One Health for All."
Kaugnay nito, nagsagawa ng lecture ukol sa Rabies Awareness ang City Health Office katuwang ang City Veterinary Office na nilahukan ng mga Barangay Health Worker (BHW).
Hinikayat nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador ang mga BHW na paalalahanan ang kanilang mga barangay ukol sa pag-iingat sa rabies, kabilang ang pagiging responsableng pet owner at pagpapabakuna ng kanilang mga alagang aso o pusa kontra sa rabies.
Ito rin ang mariing panawagan ni City Veterinarian Dr. Rustan Patacsil at hiniling ang tulong ng mga BHW hinggil dito.
Paalala naman mula sa Animal Bite Treatment Center, tuwing Lunes at Huwebes ang kanilang pagbabakuna sa mga nakagat ng alagang hayop.
Kaugnay nito, nakapagtala ng 177 katao ang nabakunahan ng anti-rabies sa araw na iyon.