News »


Choral Competition - 2nd Elimination Round

Published: November 20, 2023 01:34 PM



Muling natunghayan ang galing sa pagkanta ng mga mag-aaral sa elementarya nitong Biyernes ng gabi (Nobyembre 17) para sa pagpapatuloy ng Choral Competition elimination round.

Sa 11 paaralang nagtunggali, nangibabaw ang boses ng mga mang-aawit mula sa Caanawan at Malasin Elementary School at pasok na sila sa semi-finals na gaganapin sa Disyembre 1.

Maghaharap naman ang iba pang mga paaralan sa dalawa pang elimination round na gaganapin sa Nobyembre 21 at 24 sa City Social Circle.