News

News and updates happening in San Jose City, Nueva Ecija








Budget Hearing | 11 August 2016

Published: August 23, 2018 01:53 PM
Idinaos ang pinakahuling Budget Hearing o pagdinig para sa magiging budget sa 2017 ng iba pang tanggapan ng Pamahalaang Lokal nitong ika-11 ng Agosto sa Office of the City Mayor (OCM) Conference Room.

City Day Mini-Trade Fair

Published: August 23, 2018 01:53 PM
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod San Jose noong ika-10 ng Agosto ang 10th Gatas ng Kalabaw, kaya naman isang Mini-Trade Fair ang binuksan sa Pag-asa Gym para i-promote ang mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw.

City Day - 18th Inter-School Quiz Bee

Published: August 23, 2018 01:53 PM
Muling sinubok ang talas ng kaisipan ng mga estudyante mula sa pribado at pampumblikong paaralan sa lungsod na lumahok sa 18th Inter-School Quiz Bee na ginanap noong ika-10 ng Agosto sa San Jose City National High School.

CITY DAY JOB FAIR

Published: August 23, 2018 01:54 PM
Dinagsa ang ginanap na Job Fair ng Public Employment Service Office (PESO) noong ika-10 ng Agosto kasabay ng pagdiriwang ng City Day.




47th City Day - Parade & Fun Walk

Published: August 23, 2018 01:54 PM
Nagparadang ala-"Cowboys" at "Cowgirls" ang mga San Josenian sa katatapos na selebrasyon ng ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod San Jose noong Agosto 10.

Awarding of Oldest San Josenian

Published: August 23, 2018 01:54 PM
Binigyan ng pagkilala ng Lokal na Pamahalaan ang pinakamatandang buhay na San Josenian na si Bb. Susana Felix Cailing, 101 taong gulang kasabay ng pagdiriwang ng ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod San Jose kahapon, ika-10 ng Agosto.

Awarding of City Day Babies

Published: August 23, 2018 01:54 PM
Dinalaw ni Punong Lungsod Mario �Kokoy� Salvador ang apat na sanggol na isinilang sa mismong araw ng ika-47 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod San Jose.

Zumba in the City

Published: August 23, 2018 01:54 PM
Bagamat puro kababaihan ang kasali, game na game din na nag-Zumba si Mayor Mario �Kokoy� Salvador sa �Zumba in the City� na ginanap sa 2nd floor ng Public Market Building (covered parking area) noong ika-9 ng Agosto.

U4U - Orientation of Facilitators

Published: August 23, 2018 01:54 PM
Nagsagawa ang City Population Office ng Orientation para sa mga Facilitators ng �U4U� nitong ika-9 ng Agosto sa San Jose City National High School Alumni Hall.

DTI - SME Roving Academy in San Jose City

Published: August 23, 2018 01:55 PM
Nagsagawa ng Capability Building Seminar for Retailers ang Small-Medium Enterprise Roving Academy (SMERA) ng Department of Trade and Industry (DTI) na pinamagatang �Gabay-Negosyo sa Pag-asenso� nitong ika-8 ng Agosto sa Conference Room ng City Hall.

"Go for Health" | City Health Office Program

Published: August 23, 2018 01:55 PM
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod San Jose, nagsagawa ang City Health Office (CHO) ng libreng serbisyong pangkalusugan ngayong araw (Agosto 9) gaya ng Random Blood Sugar (RBS) Examination at Flu Vaccination para sa mga Senior Citizen.

�Pinaka� na Gulay at Prutas

Published: August 23, 2018 01:55 PM
Iba�t ibang klase ng naglalakihan at naghahabaang gulay at prutas ang dinala ng mga magsasaka sa Demo Farm, Malasin kaninang umaga (ika-9 ng Agosto) para sa Search for �Pinaka� na Gulay at Prutas ng City Agriculture Office.


TREE PLANTING @ NGP Site (Manicla) | August 9, 2016

Published: August 23, 2018 01:55 PM
Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagtipon-tipon na ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan para sa Tree Planting Activity na inorganisa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).


Budget Hearing | August 2 & 4, 2016

Published: August 23, 2018 01:55 PM
Muling nagsagawa ng Budget Hearing para sa iba pang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan nitong ika-2 at ika-4 ng Agosto.

Pag-asa Gym Inspection

Published: August 23, 2018 01:55 PM
Personal na tinignan ni Mayor Mario �Kokoy� Salvador kaninang umaga (ika-5 ng Agosto) ang ginawang paghahanda sa Pag-asa Gym para matiyak na maayos ang lugar para sa 47th City Day Program na idaraos dito sa ika-10 ng Agosto.


City Day Committee Meeting | July 27 & August 3, 2016

Published: August 23, 2018 01:55 PM
Nagpulong sa huling pagkakataon ang City Day Celebration Committee kahapon (Agosto 3) para tiyaking nakahanda na ang lahat ng tanggapan na may gagampanang mahalagang tungkulin sa naturang okasyon.







Oplan Daloy | Ocular Inspection of Mayor Kokoy

Published: August 23, 2018 03:48 PM
Bumisita si Mayor Mario "Kokoy" Salvador sa ilang barangay nitong Sabado, Hulyo 30 para personal na makita ang mga isinagawang Oplan Daloy doon.

Awarding of STW Engine and Meeting with City Agriculture Office

Published: August 23, 2018 03:49 PM
Pinulong ni Punong Lungsod Mario �Kokoy� Salvador ang mga kawani ng City Agriculture Office ngayong araw na ito (Agosto 1) para magbigay ng mga suhestiyon at dinggin ang kanilang mga opinyon para sa mas magandang serbisyo sa bayan lalo na sa mga magsasaka.

Eastern Samar Farmers Visit in San Jose City

Published: August 23, 2018 03:49 PM
Bumisita nitong Hulyo 28 sa lungsod ang mga magsasakang taga-Eastern Samar para sa isang lakbay-aral sa San Jose City Agro-Enterprise Learning Resource Center (dating FEP Learning Resource Center).

COMPLETED BACKFILLING OF ANGGAKE DAM

Published: August 23, 2018 03:49 PM
Muling tinignan ni Mayor Mario �Kokoy� Salvador ang Anggake Dam nitong Sabado, Hulyo 30 para masigurong natapos na ang ginawang backfilling dito.


KATROPA Seminar by PopCom

Published: August 23, 2018 03:49 PM
Hindi lamang mga nanay at chikiting ang aktibong nakibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa lungsod kundi pati mga kalalakihan din sa pamamagitan ng isang seminar na inorganisa ng PopCom na tinawag na �KATROPA� o Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya.


NUTRITION MONTH CELEBRATION

Published: August 23, 2018 03:49 PM
Ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ang Buwan ng Nutrisyon nitong ika-28 ng Hulyo kung saan iba�t ibang aktibidad at programa ang isinagawa sa munisipyo sa pangunguna ng City Nutrition Council.



Awarding of Farm Machineries | July 25, 2016

Published: August 23, 2018 03:49 PM
Iginawad sa Sitosan Irrigators Association ng Sinipit Bubon at Samahan ng Nagkakaisang Magsasaka ng Sto. Nino 3rd ang dalawang Shallow Tube Well (STW) Engine with Pump na mula sa Department of Agriculture.




"Balik-Loob" - Result of Oplan Tokhang

Published: August 23, 2018 03:52 PM
Sabay-sabay na nanumpa nitong Hulyo 26 ang 383 sumukong illegal drug users at pushers na nangakong tatalikod na sa paggamit ng ilegal na droga at magbabagong buhay na.

RESCUE 3121 Training

Published: August 23, 2018 03:52 PM
Sinimulan nitong Sabado, Hulyo 23 ang una sa tatlong bahagi ng 'Basic Training Course for Responder' na pagsasanay ng RESCUE 3121 bilang paghahanda sa kanila sa pagresponde sa mga kalamidad at sakuna tulad ng sunog, bagyo at baha. Ang unang bahagi ng pagsasanay ay patungkol sa Fire Fighting, Basic First Aid ang ikalawa at Basic Rescue Training ang huli.

LGU Scholars Meeting

Published: August 23, 2018 03:53 PM
Inihayag ni City Administrator Alexander Glen Bautista sa mga iskolar ng lungsod ang magandang balita na ipagpapatuloy pa rin ang Scholarship Program ng Lokal na Pamahalaan sa ginanap na pulong kahapon, Hulyo 25 sa 3/F Conference Room ng City Hall.

COMBINE HARVESTER OWNERS� ASSOCIATION MEETING AND ELECTION

Published: August 23, 2018 03:53 PM
Matapos pulungin ni City Mayor Mario �Kokoy� Salvador nitong Hulyo 18 ang mga may-ari ng reaper/harvester sa lungsod para sa planong pagbuo ng kanilang asosasyon, muling nagsama-sama ang naturang grupo noong Hulyo 22 para sa eleksiyon ng mga magsisilbing Board of Directors (BOD).