News »


Good Agricultural Practices (GAP) Seminar | 15-16 August 2016

Published: August 17, 2016 04:52 PM



Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay ang 35 Pasalubong Center Producers kaugnay sa Good Agricultural Practices (GAP), bilang paghahanda na rin sa nalalapit na pagbubukas ng San Jose City Pasalubong Center.
Naging panauhing tagapagsalita si Duran Farm Consultant Louie Bausa, kung saan ibinahagi nya ang kahalagahan ng kalinisan ng produktong ibinebenta.
Bukod aniya sa masarap, malaking puntos din sa marketing ang pagiging maayos at kaaya-ayang packaging ng kanilang produkto.
Umaasa naman si butihing Punong Lungsod Mario "Kokoy" Salvador na nakatulong ang nasabing pagsasanay, para lalo pang makilala ang sarili nating mga produkto. Sa pamamagitan aniya ng naturang pagsasanay, natututo ang mga producer ng wastong pagpoproseso, pagbabalot at pagbebenta ng kanilang produkto.
Kaugnay nito, iginawad naman ni City Tourism Officer Darmo Escuadro at City Administrator Alexander Glen Bautista ang sertipiko sa mga dumalo.
Ang dalawang araw na pagsasanay ay bahagi ng livelihood program sa ilalim ng Bottom-up Budgetting (BUB) na isinusulong ng Pamahalaang Lokal katuwang ang DTI.