DTI - SME Roving Academy in San Jose City
Published: August 09, 2016 06:15 PM
Nagsagawa ng Capability Building Seminar for Retailers ang Small-Medium Enterprise Roving Academy (SMERA) ng Department of Trade and Industry (DTI) na pinamagatang “Gabay-Negosyo sa Pag-asenso” nitong ika-8 ng Agosto sa Conference Room ng City Hall.
Dinaluhan ang nasabing pagsasanay ng San Jose Market Vendors Association, market vendors, market stall and store owners, Barangay Nutrition Scholars (BNS), at ilang miyembro ng mga kooperatiba.
Ipinaliwanag ni DTI Consumer Programs Division Chief Romeo Eusebio Faronilo ang mga kahalagahan, reponsibilidad at karapatan ng mga mamimili.
Nabanggit din ni Ginoong Faronilo ang Republic Act 9178 o Barangay Micro Business Enterprises Act of 2002, kung saan ito ay batas na nagsasaad ng pagtatatag ng malilit na negosyo sa mga barangay at pagkakaroon ng insentibo at benepisyo mula rito.
Samantala, binigyang linaw naman ni G. Eladio Duran ang tungkol sa ASEAN Economic Community.
Ginawaran din ng Bagwis Award at Global Seal ang mga establisyimentong nakasunod sa mga patakaran, sa pangunguna nina Marben de Jesus at Teresita Evangelista ng DTI.
Naisagawa ang naturang programa sa pagtutulungan ng DTI Provincial Office at City Public Market Office.