K OUTREACH PROGRAM � Day 1 | 23 August 2016
Published: August 24, 2016 05:00 PM
Umarangkada na ang “K” Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Tanggapan ng Punong Lungsod, katuwang ang Community Affairs Office nitong ika-23 ng Agosto para maghatid ng serbisyo publiko sa mga taga-Brgy. Sto. Tomas.
Kasamang bumisita ng butihing Mayor Mario “Kokoy” Salvador si Vice Mayor Glenda F. Macadangdang at iba pang miyembro ng Sangguniang Panlungsod para makita at makumusta ang kalagayan ng mga residente ng naturang barangay.
Ilan sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lokal na nagbigay tulong at serbisyo roon kahapon ay ang City Health Office, PopCom, Nutrition Office, Franchising Office, Public Order and Safety-Housing Division, Local Civil Registry Office, City Legal Office, City Cooperative Development Office, at PIO.
Katuwang din ng LGU ang St. Augustine Foundation Colleges at PNP.
Bukod sa iba’t ibang serbisyong hatid ng mga nasabing tanggapan, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga residente roon na personal na makausap ang Punong Lungsod para maiparating ang kanilang mga pangangailangan.
Nagtapos naman ang programa sa isang boodle fight kung saan masayang nagsalo-salo ang lahat ng naroon.
Patuloy ang “K” Outreach Program ngayong araw na ito (Agosto 24) hanggang bukas (Agosto 25) sa Brgy. Sto. Tomas.