Repainting of Old Building along Maharlika Highway
Published: August 30, 2016 04:53 PM
Sang-ayon sa adbokasiya ni Mayor Mario “Kokoy” Salvador na Bagong San Jose, sinimulan ang pagpipintura sa ilang gusali sa Maharlika Highway nitong ika-23 Agosto para maging mas kaaya-aya ang mga ito.
Inisiyatiba ito ng isang pribadong indibidwal hanggang sa sumuporta na rin ang iba pa para mapondohan ang pagpipintura na sinimulan sa Reyes Bldg. (corner Rizal St).
Layunin ng naturang grupo na makatulong sa pagpapaganda ng lungsod, lalo na sa City Proper kaya naman sila na mismo ang kusang nag-ambag para mapinturahan ang mga lumang gusali.
Ipagpapatuloy nila ang naturang gawain para matamo ang isang mas kaaya-ayang bayan para sa mga San Josenian.
Sa mga nagnanais pang sumuporta rito ay maaaring makipag-ugnayan sa City Tourism Office.