City Day - 18th Inter-School Quiz Bee
Published: August 15, 2016 04:58 PM
Muling sinubok ang talas ng kaisipan ng mga estudyante mula sa pribado at pampumblikong paaralan sa lungsod na lumahok sa 18th Inter-School Quiz Bee na ginanap noong ika-10 ng Agosto sa San Jose City National High School.
Dumalo rito ang ating Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador at nag-iwan ng mensahe sa mga kalahok na pagbutihin ang kompetisyon sapagkat makatutulong ito upang makilala ang paaralan na kanilang kinabibilangan.
Sa elementary category, nagtagisan ang 56 na paaralan kung saan nangibabaw ang galing ng mga mag-aaral mula sa San Jose East Central School at nag-uwi ng kampeonato.
Pumangalawa ang Porais Elementary School, at ikatlo ang Sto. Niño 2nd Elementary School.
Samantala, nasungkit naman ng San Jose City National High School ang unang puwesto mula sa 11 kalahok sa high school category. Sumunod ang St. John’s Academy, at ikatlo ang Sto. Niño 3rd National High School.
Idinaraos taon-taon ang Inter-School Quiz Bee na pinangungunahan ng mga Mason sa Narra Lodge 171 MDR III - Nueva Ecija North F & AM of the Philippines.