News »


NIGHT MARKET

Published: August 18, 2016 01:54 PM



Inilipat na ang mga Night Market vendors sa Covered Parking Area ng ikalawang palapag ng Public Market Building (Premiumed Med III) noong Martes, ika-16 ng Agosto.
Ginawa ang hakbang na ito habang hindi pa ganap na nagagamit bilang parking area ang nasabing gusali.
Bukod dito, nagkaroon pa ng mas maayos at komportableng lugar ang mga mamimili, lalo na ang mga nagtitinda na karamihan ay Ukay-Ukay vendors, na kahit umuulan ay makakapaglatag pa rin sila ng kanilang mga paninda.
Nakatulong din ang paglilipat ng puwesto ng mga Night Market vendors mula sa gilid ng Rizal Street sa palengke dahil lumuwag ang kalsada rito.
Maaaring mamili sa night market na may higit-kumulang 80 stalls o tindahan, mula alas-singko ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi sa bago nitong lugar.
Maliban sa ukay-ukay, may mga paninda rin ditong sapatos, cosmetics, accessories, at iba pa.